Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alex naiskupan sa pasabog

0 52

NI: ARCHIE LIAO

Gaano katotoo na naudlot ang pasabog nina Alex Gonzaga at ng asawa nitong si Mikee Morada dahil sa naging isyu nito sa veteran columnist na si Manay Lolit Solis?

May unconfirmed sources kasing nakatakda umanong magsalita ang dalawa tungkol sa isyu.

Nasira ang plano dahil sa umano’y ginawang pangunguna ni Manay Lolit Solis .

Kaya may mga espekulasyon na, tinitimbang pa raw umano ng couple kung kailan ilalabas ang kanilang side sa isyu.

SM food to go Banner Ad

Sa panayam ni Ogie Diaz kay Manay Lolit, nilinaw naman ng beteranang kolumnista na hindi niya pinangungunahan ang mag-asawa dahil nagbibigay lamang siya ng kanyang opinyon.

Nagtataka lang daw siya na nabigyan ng malisya ang kanyang isinulat samantalang may pasubali naman siyang nalulungkot siya kung talagang may nangyaring miscarriage.

Sa huli, sinabi niya na never na raw siyang magsusulat tungkol sa Gonzaga sisters kung minasama ng mga ito ang kanyang naging pahayag.

Matatandaang nagsimula rin ang espekulasyon sa kalagayan ni Alex dahil na rin sa cryptic posts nito sa kanyang Twitter account. Iipinalagay ng mga netizen na may matindi silang pinagdadaanan ni Mikee.

Leave A Reply

Your email address will not be published.