Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alex nauto si Ryan

0 354

NI: ARCHIE LIAO

Sa vlog ni Kuya Kim, tinanong si Alex Gonzaga sa matagal nang isyu sa pagitan nila ng It’s Showtime host na si Ryan Bang.

Paniwala kasi ng madlang pipol ay nagkaroon sila ng nakaraan ng Korean TV host-actor.

To set the record straight, sinabi ni Alex na hindi sila nag-date ni Ryan.

“Di ko dinate si Ryan Bang,” sey ni Alex.

Agad namang nagkomento si Kim na mabeberipika niya ang lahat kay Ryan.

SM food to go Banner Ad

“Alam mo nag-usap kami ni Ryan Bang. ‘So sinasabi mo ba na talagang wala tayong relasyon?,”hirit ni Kuya Kim.

Iginiit naman ni Alex na wala silang naging relasyon ni Ryan dahil baby brother lang daw ang turing niya rito.

Ipinaliwanag pa niya na kung na-misinterpret man sila ng dating PBB contestant ay dahil may pagkukulang din siya. May pagka-gullible daw kasi si Ryan.

“Okay, para malinaw na rin. Kasi pag magkasama kami ni Ryan, tas maraming tao, inaasar kami. So ang gagawin ko, ‘Halika na nga dito, babe. Kiss na nga tayo,’ esplika ni Alex.

“Ginaganun ko pag maraming tao so nagtatawanan. Sabi ko, ‘Ryan, pero pag tayong dalawa.’ Although, mali ko rin yun, kasi in-explain sa akin ni Mikee,”dugtong niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.