Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alex, pakner sibak sa ‘W25 Platja’ finale

0 206

Bagsak sa final round ng W25 Platja D’Aro sa Spain ang tambalang Alex Eala at Oksana Selekhmeteva, 3-6, 5-7.

Hindi kinaya ng dalawang teenager ang 25-anyos na kalabang sina Justina Mikulskyte ng Lithuania at Oana Georgeta Simion ng Romania matapos pabagsakin sa straight sets.

Bagama’t olats sa nasabing doubles tournament ay hindi na rin ito masama para sa 15-anyos Pinay netter dahil ito pa lamang ang unang beses niyang sumalang sa nasabing kategorya sa pro-circuit.

Samantala, ipagdiriwang naman ngayong araw ng Linggo ni Alex na nasa rank 3 ng junior’s category ang kanyang ika-16 taong kaarawan. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.