Abante Tonite Interactive

Alex pinag-tripan ang ‘papaya’ ni Jen

1,347

Pinahalakhak ni Alex Gonzaga ang New Frontier Theater nang mag-guest siya sa “CoLove Live” concert ng mag-sweetheart na Jennylyn Mercado at Dennis Trillo nu’ng February 15.

Pabirit na si Jen ng “I Will Always Love You” ni Whitney Houston nang biglang umentra sa stage ang hitad na Alex at kiyemeng hinahanap ang CR.

Bentang-benta ang mga kalokahang hirit ni Alex, na pati ang sexy dress na suot ni Jen na medyo litaw ang dibdib ay pinagtripan.

Tinext daw si Alex ni Jen para imbitahing mag-guest doon, pero wala raw ang name niya sa unang poster at parang utang na loob pa raw niya na nag-guest siya sa show. Para raw siyang nagpumilit.

Naka-maroon si Alex at naka-green si Jen kaya hiniritan niya ito ng, “Si Dennis ba ay naka-blue? Kasi, parang pa-ABS-CBN na tayo. Sinusuportahan mo ba kami?”

Sagot ni Jen, “Huwag kang ganyan, ha? Kami ay Kapuso, makulay ang buhay…” na pakanta ng GMA theme song.

“Nakita mo na ngang namomoroblema na nga kami,” natatawang pakli ni Alex, na ikinatawa rin ni Jen at ng audience.

“Gigil din ako sa ‘yo, eh!” sundot pang sey nito.

“Gusto ko ng papaya ngayon. Nanggigigil ako sa ‘yo,” hirit pa ni Alex habang nakatingin sa dibdib ni Jen.

Tinawag nitong complete package si Jen dahil singer daw ito, dancer at magaling na artista.

“Ano ka ba, favorite kita, Onanay!” sey ni Alex, na si Jen ay napareak ng, “Ay, puta ka! Sorry, sorry!” tapos ay nagkatawanan.

“Kumpleto na lahat, nasa ‘yo na. Ang guwapo ng anak mo, ang guwapo pa ng boyfriend mo!”

Sagot ni Jen, “Uy, congratulations nga pala sa iyong engagement,” tapos ay biglang ipinakita ni Alex sa audience ang kanyang daliri, na proud na proud sa kanyang engagement ring na bigay ni Mikee Morada.

“Kung gusto n’yo pong malaman kung magkano ‘to, andu’n po sa Gateway,” natatawang dayalog ni Alex.

Laugh trip ang mga kabaliwan ni Alex lalo na nang mag-prod na sila ni Alex na bigay na bigay ang hitad kung makasayaw kahit wala sa tono ang kanyang pagkanta.

May kiyemeng whistling part ito sa “Emotions” ni Mariah Carey, pero may gamit ito na pito na pang-whistle kaya tawanan ang crowd.

Sa belting part naman ay nakipagbiritan ito ng “I Will Always Love You” kay Jen, na may paluhod-luhod pa ito sa sahig hanggang sa napahiga ito sa kanyang kagagahan.

Lakas talagang pampaaliw ni Alex, kaya ‘yun ang pinakabuhay na parte ng “CoLove Live”.

Sayang dahil siguradong tsugi ang part na ‘yon ‘pag pinalabas sa Kapuso dahil Kapamilya star si Alex.

For sure, hindi rin mapapanood sa TV broadcast ‘yung song number ni Carlo Aquino, pati na ‘yung kay Nyoy Volante at kay JK Labajo and his band.

Divided sa 3 chapters ang “CoLove” concert na tungkol sa real life love story ng JenDen.

Nabitin kami sa kuwento, so kailangan ng Chapter 4 para sa wedding dahil ‘yun na lang ang kulang para kumpleto na.

PAK!!

Kilig moment nina Sarah, Matteo ‘di na inulit

Medyo may hangover pa kami ng “Unified” concert nina Regine Velasquez at Sarah Geronimo.

Na-LSS kami sa bonggang version ni Sarah ng “Narito Ako” na binigyan niya ng bagong buhay at inangkin niya ‘yung kanta, sa tulong ng brilliant rearrangement ni Maestro Louie Ocampo.

Actually, ‘yun ang napansin namin that night kay Sarah, bukod sa mas gumanda pa ang boses niya ngayon ay hanep ‘yung vocal control niya.

Kaya ang galing-galing niyang maglaro at iba-ibahin ‘yung tono ng kanta na mas bongga ang nagiging resulta.

Alam naming kayang-kaya niyang ibirit ‘yung “Narito Ako” but instead, she made it her own na hindi siya nagmukhang copycat ni Regine.

In short ay hindi nakipagtaasan ng ihi at nakipagtagisan ng diaphragm si Sarah kay Songbird kahit keri niya dahil hindi ganu’n ang style niya.

Oo nga pala, sorry na lang sa mga nanood nu’ng 2nd night sa Araneta dahil waley na ‘yung super-kilig na AshMatt moment na nasaksihan namin nu’ng unang gabi.

Nasa backstage lang pala si Matt nu’ng Saturday at ang kanyang mommy, daddy at younger brother ang nasa audience.

Wala na ring pa-flowers sa ending ng concert dahil si Ogie Alcasid pala ay hindi na tinapos ang show dahil may “ASAP” pa kinabukasan.

‘Sabagay, hindi na rin naman kasi Valentine’s, so baka maging scripted pa ang dating kung uulitin ‘yung AshMatt moment na ‘yon.

PAK!!