Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alex pinaglaruan ang panty ni Mommy Pinty

0 534

NI: ARCHIE LIAO

Sa kanyang bagong upload na vlog, ipinasilip ni Alex Gonzaga ang naging ganap nilang pamilya noong Holy Week.

Dahil mahabang bakasyon, nasolo niya ang mister na si Mikee Morada.

Naging bahagi rin ng bonding nila ang kulitan at panonood ng Netflix.

Ani Alex, takot daw talaga siyang manood ng horror flicks pero dahil may kasama na siya keri na niya ang matakot.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ipinakita rin niya ang routine sa bahay kung saan nagluluto ang kanyang amang si Daddy Bonoy at ang pakikialam ng hubby niya sa recipe nito.

Kasama rin sa naging activities nila ang pagwo-workout, panonood ng The Passion of the Christ at ang Bible study.

Sa kanyang kababawan,sinikap niyang i-prank si Mikee sa pamamagitan ng pagtatanim ng panty ng kanyang Mommy Pinty sa mga gamit nito para may rason siya umanong ikumpronta ito sa pambababae nito.

Hindi naman bumenta ang kanyang prank sa mister na dinedma lang ang kanyang palabas.

Leave A Reply

Your email address will not be published.