Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alex pinagpraktisan ang anak nina Billy, Coleen

0 147

NI: ARCHIE LIAO

Mataas ang ‘aliw factor’ ng bagong episode ng vlog ni Alex Gonzaga kung saan pumapel siyang yaya ni Baby Amari, anak nina Billy Crawford at Coleen Garcia.

“Meron ako ngayong naisip dahil alam mo naging kaibigan ko na rin siya (tumutukoy kay Billy) so gusto ko makatulong sa kanilang mag-asawa so namasukan muna akong yaya for a day,” ani Alex.

“So ngayon nandito ako sa amo ko. Mag-yayaya muna ako sa anak nila dahil alam ninyo tagal na akong walang taping at least may extra income,” pabiro niyang dugtong.

Sa bahay ng kanyang aalagaan, winelcome si Alex ng showbiz couple kasama ang kanyang mister na si Mikee Morada.
In-orient din siya kung paano aalagaan si Baby Amari.

Kinarga ni Alex ang baby nina Billy at Coleen at inihele habang umiiyak.

Naging companion din siya nito habang nakaalalay naman si Coleen at ang yaya ni Baby Amari.

Gumapang din siya sa pakikipaglaro sa bata.

Pinalitan din niya ito ng lampin.

Sa pagyayaya niya kay Baby Amari, nagbigay naman si Billy ng kanyang assessment sa huli.

“Pasado naman. In fairness ready na kayo. Excited na kami kung ano talaga ang plano ni God para sa inyo. Sana may kalaro na ang batang ito soon,” sey ni Billy.

Nang ianunsyo ni Alex ang kanyang vlog, isa sa mga nagkomento rito ay ang celebrity mom na si Valerie Concepcion.
“Uyyyyyy….. Nagpa-practice na! Love it!” sey ni Valerie.

Ito naman ang ilang reaksyon ng mga netizen.

“Ganyan ang vlogging ngayon. Gamitan for the content.”

“Bagay siya maging Nanny.”

“Sobra cute ng anak ni coleen !!!! Bagay kay alex yaya bwahaha.”

“Luh, pati bagets sinama sa kalokohan nyo.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.