Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alex sinita ng mister na mabosohan ni Luis

0 135

NI: ARCHIE LIAO

Sa episode na Q&A with Mikee, tinanong ni Alex Gonzaga ang kanyang mister kung may pinagselosan na raw ba itong ibang lalake.

Naipasok ni Alex ang tungkol kina Luis Manzano at Robi Domingo na madalas na nakakatrabaho noon ng actress-vlogger sa pagho-host ng shows.

Sey ni Mikee, never daw naman siyang nagselos kay Luis.

Pagtutuwid naman ni Alex, minsan daw ay sinita siya ng mister kung sino ang kasama niya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kapag daw kasi nagkaka-work ni Luis, gusto raw ng host na magkasama sila sa isang dressing room para may kausap ito.

Pero, dahil kampante kay Luis, madalas daw ay umaandar ang kanyang pagkaburara kesehodang maghubad siya sa harap nito.

Nagwo-worry daw ang mister na baka mabosohan siya ni Luis kaya hindi na raw niya ginagawa ito.

Sey naman ni Mikee, ang pinakamatinding dahilan para iwanan niya si Alex ay kapag niloloko na siya nito at may iba na itong minamahal na lalake.

Leave A Reply

Your email address will not be published.