Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alex , Sunshine nagtinda sa pandemya

0 470

NI: ROLDAN CASTRO

Enjoy sa pagtitinda ang mag-asawang Alex Castro at Sunshine Garcia. Nagtayo sila ng negosyo na matatagpuan sa Marilao, Bulacan.

“Ang inyong tindero at tindera ng SSLEX Korean & Japanese Mart. ‘Yung akala naming soft opening palang wala pa masyadong customer na pupunta pero nagahol kami sa dagsa ng customer hindi kami magrereklamo basta lagi nyo kami bibisitahin sa SSLEX Mart. ,” mababasa sa Facebook account ng Beautederm ambassador na si Bokal Alex.

Sa Instagram account naman ng kanyang misis at dating Sexbomb na si Sunshine ay nag-post ng “Yung akala namin dahil Soft Opening wala pa masyado pupunta ngayon lang ako nakaupo ng maayos. Di kami marereklamo kung ganun lagi ang tao okay lang na whole day nakatayo Deserve ko ang ice cream na ito ngayon!”

Pero kahit pandemic at may bagong negosyo na pinagkakaabalahan, patuloy pa rin ang serbisyo ni Alex sa kanyang mga kababayan sa 4th District ng Bulacan,Ang kanyang suweldo ay inaayuda niya sa mga constituents niya simula nang magkaroon ng krisis. Nandiyang bumili ng bigas, gulay na ipinamumudmod niya. Namigay rin siya ng bisikleta para sa mga frontliner.

Nagpasalamat din siya sa CEO at President ng Beautederm na si Ms. Rhea Anicoche-Tan na sumuporta sa kanya.

“Napakalaki ng naitulong ng Beutederm sa pangunguna ng aming CEO Ate Rei, sa mga kababayan kong Bulekenyo-magmula sa mga alcohols, hygiene kits, PPE, at marami pang iba, na idinonate sa atin upang maibahagi sa mga kababayan natin,” sambit niya sa isang panayan.

Pinupuri rin niya si Ms. Rei dahil hindi sila pinabayaan kahit pandemia. Pamilya talaga ang turing sa kanila bilang ambassador dahil pinapadalhan din sila ng groceries.

“Ang sarap po talaga ng pakiramdam,” lahad pa niya sa magandang trato ni Ms. Rei.

Leave A Reply

Your email address will not be published.