Abante Tonite Interactive

Alex susuntukin si Luis

416

Muli na naman inaliw nina Alex Gonzaga at Luis Manzano ang mga netizen. Hindi na rin naman kasi bago sa dalawa ang magbangayan at mag-asaran.

Sa tono ng kanilang batuhan sa social media ay hindi mo aakalain na biro lamang ang mga ito.

Nag-asaran na muli ang dalawa. Nag-tweet kasi si Alex na gusto niyang uminom ng isang brand ng choco shake.

“Gusto ko ng Vitamilk now! As in malamig na malamig na choco shake!!!,” saad ng kanyang tweet.

Ni-retweet naman kaagad ni Luis ang request nito at nakakaloka ang ibinalik niyang kahilingan.

Hamon niya kay Alex, “Gusto ko i delete mo lahat ng social media accounts mo! As in!!!”

Naloka ang mga netizen sa request ni Luis. Umabot ang retweet niya ng 1.1k likes sa loob lamang ng dalawang oras.

Komento ng mga netizen,
@jamy17809354, “Nku dlawang ito lgi nagbaba­ngayan bka kau s huli magkatuluyan.”

@hizogale, “Omg giyera na to @MsAlexGonzaga haha ang laks mngtrip ni luis eh.”

@kylecordero94, “Wag naman, lodi ko si Alex eh.”

Tuluyan nang nakipag-asaran si Alex kay Luis.

Sey pa niya sa nakakalokang request ni Luis, “Gusto kita sapakin as in.”
“Gusto ko umilag tapos penjakin ka sa tyan, as in!,” tugon ng actor –host.

Biniro naman sila ng mga netizen na baka dahil sa madalas nilang asaran ay magkatuluyan silang dalawa sa huli. (Ronaline Avecilla)