Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alex tamad makipag-sex

0 2,569

NI: ARCHIE LIAO

Naging panauhin si Alex Gonzaga sa vlog ni Dra.Vicki Belo.

Kinumusta ni Vicki ang buhay may-asawa nito sa piling ng esposong si Mikee Morada.

Pagbibiro ni Alex, fulfilling daw pala ang buhay ng isang misis dahil araw-araw raw silang nagpapa-swab sa gabi.

Deretsahan namang tinanong ng doktor kung ilang beses silang nagse-sex ni Mikee sa isang araw.

Hirit niya, minsan daw ay isa at minsan daw ay may kalahati pa.

Minsan daw kasi kapag pagod siya, nakikiusap siya sa mister na sa ibang araw na lang sila umano magtalik.

Dagdag pa niya, wala pa raw silang balak na magkaanak agad.

Pagbubunyag pa niya, marami raw ang nabago sa kanya mula nang lumagay siya sa tahimik.

Siya raw kasi iyong tipo na ayaw pasakop dati pero nang dumating daw si Mikee, nagkaroon daw ng 360 degree turn ang kanyang buhay.

Vicki Belo hiniritan ng ‘Careless Whisper’

Sa huli, naloka naman si Dr. Vicki nang hiritan siya ng celebrity vlogger ng isang malutong na “Doc last, let’s Careless Whisper!”

Natawa na lamang ang doktor at tinawag pa ang asawang si Hayden na mag-careless whisper umano ito.

Matatandaang nag-viral ang controversial video noon ni Hayden Kho kasama ang isang aktres na sumasayaw sa saliw ng nasabing awitin.

Leave A Reply

Your email address will not be published.