Abante Tonite Interactive

Alex tinarayan, inirapan si Charo

0 514

Viral ngayon ang latest ‘office raid’ video ni Alex Gonzaga kung saan tinaray-tarayan niya ang ABS-CBN executive na si Charo Santos-Concio.

Sa nasabing video, halos inirap-irapan niya ang beteranang aktres at dating ABS-CBN President.

Nangyari ito nang i-tour ni Charo si Alex sa kanyang office kung saan nag-request ang huli na i-reenact nila ang infamous ‘copycat’ scene nina Sharon Cuneta at Cherie Gil sa pelikulang “Bituing Walang Ningning” noong 1985.

Marami ang naaliw sa nabanggit na video na umani na agad ng more than 2 million views.

Marami rin ang bumilib sa star vlogger dahil siya lang daw ang may lakas ng loob na gawin ito sa “MMK” host.

Umani rin ng papuri si Charo sa pagiging ‘game’ nito nang pagtripan siya ni Alex. (Archie Liao)