Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alex tumalak sa kasambahay

0 56

Sa bagong entry ni Alex Gonzaga sa kanyang vlog, muli na namang may pinagtripan ang vlogger-actress.

Ang biktima, this time, ay ang kanyang mister na si Mikee Morada na clueless sa kanyang bagong paandar.

Sa “Sofie Lalayas prank” kinuntsaba niya ang kanyang kasambahay na si Sofie at ang kanyang tito para mai-stress ang mister sa kanilang palabas.

Napag-usapan nila na mag-aaway sila ng kasambahay sa harap mismo ni Mikee .Ang kunsitidor naman niyang tiyuhin ang taga-gatong sa kanyang away kuno.

Sa simula, ipinakita ni Sofie ang kanyang pagmamaktol kay Alex sa pamamagitan ng pagbabasag ng baso.

May kuning-kuning pa itong emote na pang-best actress na nadagdagan daw ang responsibilidad niya sa bahay mula nang tumira sa kanila si Mikee.

Feeling din daw niya ay taken for granted siya sa bahay ng Youtuber.

Kinumpronta ni Alex ang kasambahay. Tinanong kung ano ang gusto nitong mangyari.

Sa kanilang pagtatalo, nag-sentir si Sofie dahilan para magdesisyon itong mag-alsa balutan na lang sa kanilang bahay.

Namagitan naman si Mikee at pinilit na ‘hilutin’ kung anuman ang hindi pagkakaunawaan ng dalawa.

Inakusahan pa ni Alex na kinakampihan ng asawa ang kanilang kasambahay dahil gusto nitong pigilin ang pag-alis ni Sofie.

Sa huli, doon lang nabuking na ‘prank’lang pala ang lahat.

Aminado naman si Mikee na nai-stress siya sa panggu-gudtaym ni Alex dahil very credible na artista ang misis .Ang kanilang kasambahay naman na si Sofie na napaniwala siya sa kanilang kababawan.

Mark takot sa sampal ni Maricel

Sa vlog ni Mark Herras, sumalang sa Sagot o Lagot challenge ang Kapuso actor kasama ang dating miyembro ng Gwapings na si Eric Fructuoso.

Sa panahon kasi ng pandemya, sobrang nagpapasalamat si Eric kay Mark dahil hindi nito nakalimutang magmalasakit sa kanya bilang isang kapitbahay.

SM SuperKidsDay Banner Ad

May mga pagkakataon ngang nagyayaya pa si Mark at ang misis nito na saluhan siya sa kanilang tanghalian o hapunan.

Sa naturang challenge, may choice sila na sagutin ang mga tanong na ibabato sa kanila.Kung magpa-pass sila ay kailangan nilang mag-shot o uminom ng alak.

Naitanong kay Mark kung sino sa mga aktres ang kinatatakutan niyang makatrabaho.

Aniya, hindi raw naman sa natatakot pero pinangingilagan daw niyang makaeksena ang Diamond Star na si Maricel Soriano.

Noong nakatrabaho raw kasi niya ito, saksi siya nang tumambling ang kanyang co-star na si Yasmien Kurdi dahil sa malakas na sampal nito.

Sobrang intense raw kasing kaeksena ang beteranang aktres.

Mabuti na lamang daw na iyon daw sanang kukunan nilang scene na sasampalin din siya ng aktres ay hindi natuloy.

Gayunpaman, isa rin daw karangalan para sa kanya ang makatrabaho ang magaling at premyadong aktres tulad ni Maria.

Pagsang-ayon naman ni Eric, noon daw talagang panahon nila ay hindi dinadaya ang mga eksena, maging sa suntukan, sampalan o sabunutan daw ay nagkakaroon ng pisikalan.

Sa tanong naman kay Mark kung magkano ang laman ng kanyang bank account.

Pabiro naman niyang sinabi na higit daw naman ito sa P30 K.

Sa pagseseryoso niya, may sapat daw namang ipon sa bank account ang kanyang anak na si Corky .

Sa question naman kung nakatanggap na siya ng indecent proposals sa bading o kayaý sa matrona, inamin ni Mark na meron daw namang nagparamdam pero hindi raw naman ito direkta o garapalan.

Pero, thankful naman siya na may mga kaibigang naaasahan pa rin siya na handang tumulong sa kanya na walang hinihintay na kapalit.

Si Mark ay isa sa mga Kapuso artist na nag-renew ng kontrata sa GMA-7 kamakailan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.