Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alex walastik, sokpa sa finals

0 221

SUMAMPA sa final round sa unang pagkakataon sa professional tournament ang Filipina tennis sensation na si Alex Eala matapos manaig kay Adithya Karunaratne ng Hong Kong, 6-3, 6-4 kagabi sa semis ng International Tennis Federation (ITF) W15 Manacor sa Spain.

Sinubukan pang humabol ni 19-anyos Adithya matapos ang ginawang 5-2 trail sa serve ngunit hindi nagpadaig ang Pinay tennis ace nang tapusin agad ang semis game.

Si Karunaratne ay no. 785 ranked sa singles category habang si 15-anyos Alex naman na kakaapak pa lang sa mundo ng pro ay nasa no. 1651.

Related Posts

Kamakailan ay tinalo rin ni Eala si top seed Seon Mendez ng Australia sa para tumuntong sa quarterfinals.

At nitong Sabado ng umaga ay pinabagsak rin niya si Carole Monnet ng France sa 6-7, 7-6, 6-4 para makuha ang spot sa semis.

Ito na ang unang pagkakataon na sasalang si Alex sa isang final game bilang isang professional. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.