Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alexa inintrigang ‘playgirl’

0 210

NI: ARCHIE LIAO

Nababatikos ang Kapamilya actress na si Alexa Ilacad. Ito’y dahil sa umanoý association niya kina KD Estrada at Eian Rances mula nang pare-pareho silang ma-evict sa Bahay ni Kuya.

Sa PBB House kasi, nabuo ang kanilang samahan.

Si KD ay naging close kay Alexa mula nang mabasted siya ng PBB winner na si Anji Salvacion.

Kaya naman, hindi kataka-takang maghanap ang singer ng babaeng tutugon sa kanyang kalungkutan at ito nga ay natagpuan niya sa katauhan ni Alexa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Katunayan, nagkaroon na rin sila ng fans club na KDlex (KD-Alexa) na nagro-root na maging love team partners sila.

Pero wait, may humahabol na katriyanggulo nila… si Eian Rances, ang lalakeng minsang inisnab-isnab si Alexa na ngayon ay playing sweet na sa Kapamilya actress.

Aba’y kumakasa rin ang mga faney nila kaya naman, ipinanganak ang AlEian ( Alexa-Eian) tandem.

Feel tuloy ng kibitzers, sobrang haba ng hair ni Alexa dahil pinag-aagawan siya nina KD at Eian.

Hirit naman ng ilan, tipong ini-enjoy daw ni Alexa ang kanyang newfound fame ngayon . Kahit pa iniintrigang pablita o playgirl.

Leave A Reply

Your email address will not be published.