Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alexa, Jane, Maureen, Kira nagpaliyab sa summer

0 97

BONGGA ang 30th anniversary ng Star Magic.

Nag-photo shoot ang mga hottest beauties at hunks talent para sa kanilanģ summer special na ‘Hot Summer in Baler.

Ito’y binubuo nina Alexa Ilacad, Heaven Peralejo, Maureen Wroblewitz, Zach Guerrero, Michelle Vito, Eian Rances, Elmo Magalona, Kira Balinger, Brent Manalo, Jane Oineza, Vivoree Esclito, Karina Bautista, Maris Racal at Andrea Brillantes.

Joint forces ang kanilang beauty para sa summer campaign kasama na ang pagpapakita ng kagandahan ng Baler.

Parte rin ng summer special sina Alora Sasam, Esnyr Ranollo at Pepe Herrera.

Ang Hot Summer In Baler ay isa sa treat ng Star Magic along with its first digital magazine, Slay.

Si Alexa Ilacad ang first cover girl nila.

Ayon sa petite actress na.si Andrea, “Nag-enjoy ako. Ako ang pinakabata, ako ang pinaka-baby, so what? So in-enjoy ko na lang, nag-enjoy na lang din ako lalong-lalo na nu’ng last day, nag-surf ako, ang saya-saya.”

“I super enjoyed kasi after two years halos na hindi kami nagkita-kita ay nagkaroon kami ng chance na makapag-bond and makapag-spend time together ng face to face. Mas nakilala ko sila mabuti and ang dami naming nagawang activities together,” lahad naman ni Jane Oineza.

Si Elmo Magalona na walang balita sa kanya matagal na ay parte rin ng hot summer special.

Aniya, “Very special talaga ‘yung experience kasi first time ko ulit like makasama ang family ko with Star Magic at hindi siya basta-basta shoot lang in Baler. Nu’ng nalaman ko I’m going to be a part din natuwa ako. I got to see other artists na matagal ko nang nakasama and nakilala ko rin ‘yung ibang artists na nakasama ko rin.”

Ang tanong, sino kaya sa mga Star Magic artists ang nangibabaw ang beauty at kaseksihan?

I’m sure bawat isa sa kanila ay nagpatalbugan sa pictorial.

Leave A Reply

Your email address will not be published.