Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alexa, Maris, Andrea paiinitin ang tag-init

0 66

Back-to-back summer treats ang handog ng Star Magic sa kanilang patuloy na pagdiriwang ng ika-30 taong anibersaryo.

Inilunsade nu’ng Linggo (May 1) ang kanilang pinakabagong digital video magazine na “Slay” at travel reality show na “HOT Summer in Baler” sa “Slay the Hot Summer” event sa Resorts World Manila .

Isang kakaibang Alexa Ilacad ang matutunghayan bilang unang cover girl ng “Slay” na nagbibigay pahalaga sa women empowerment at body positivity. Ibahahagi ni Alexa sa digital video magazine ang kanyang karanasan sa shoot at kung paano ito nakatulong sa kanya bilang isang babae. ”Ipinakita nito kung gaano ako ka-deserving mahalin at kung paano ko mahahalin yung sarili ko,” saad ni Alexa sa teaser na inilabas ng Star Magic.

Sa launching ay sumuporta si KD Estrada at surprise guest para kay Alexa.

Makakasama ng young actress sa digital video magazine ang Ultimate Slaymate na si Thamara Alexandria, at iba pang Slaymates na sina Missy Quiño, Alyssa Exala, at Sharina Villena.

Nakauna naman na ang ilang fans nina Alexa at slaymates sa advanced screening at meet and greet noong Biyernes (Abril 29) sa KTX.PH.

Bukod sa “Slay,” dapat din abangan ang pagsasama-sama ng ilang Star Magic artists na sina Maris Racal, Jane Oineza, Kira Balinger, Heaven Peralejo, Maureen Wrob, Zach Guerrero, Michelle Vito, Karina Bautista, Eian Rances, Brent Manalo,Elmo Magalona, at Andrea Brillantes pati na sina Esynr Ranollo, Alora Sasam, at Pepe Herrera sa pagpapamalas nila ng ganda ng Baler sa “Hot Summer in Baler.”

Mapapanood na ang unang episode nito sa YouTube channels ng ABS-CBN Entertainment at Star Magic.

Leave A Reply

Your email address will not be published.