Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alexa nagpa-init sa tag-ulan

0 123

NI:VINIA VIVAR

Aminado si Alexa Ilacad na ang naging bubog niya while growing up sa mundo ng showbiz ay ang pagkakaroon niya ngayon ng health condition.

“Siguro ‘yung pinaka-bubog ko growing up was that now, I have a condition called Body Dysmorphia and Major Depressive Disorder,” pagtatapat ni Alexa sa panayam niya sa first ever digital magazine ng Star Magic na Slay.

“Growing up in the industry, it’s fun of course, if it’s not, I wouldn’t be here anymore. It also comes with a lot of hurt, a lot of pain and it never really ends,” patuloy niya.

As we all know ay maagang nagsimula si Alexa sa showbiz. She was a part of Goin’ Bulilit when she was young.

Si Alexa ang cover girl sa first issue ng Slay at first time niya na magpakita ng skin at the photoshoot.

Makikita sa IG post ni Alexa ang mga sexy photo niya kung saan ay naka-one piece swimsuit siya. Nagpainit siya sa tag-ulan.

Inamin niya rin sa panayam na medyo scared siya to do the sexy pictorial.

“Kasi I’ve never really done something like this. It’s more than I’ve ever done and ever shown. Miles away from my comfort zone,” she said.

Aware si Alexa na iba talaga ang build ng body niya tulad ng makikita sa mga larawan niya sa Slay.

“Even nun’g naggo-Goin’ Bulilit ako, my body type was a bit heavy, top heavy. So it was really hard for me kasi the girls around me, they were really thin, slender, model bodies talaga. Since they all look like that and I was the only one who was a bit different.

“Everyone was telling me to adjust coz I need to look like them kasi sila lang ‘yung tanggap ng industry.

“So tinanggap ko na lang na kailangan ko itong gawin kahit ang sasakit na ng mga sinasabi sa akin like ‘hindi ka nagkaka-projects kasi mataba ka,’ ‘hindi ka kinukuha ng ganitong show kasi ang taba mo,’ pag-alala ni Alexa.

At one point ay naging emotional si Alexa habang inaalala ang mga masasakit na salitang narinig niya mula sa mga tao.

Pero ngayon ay natutunan na raw niya how to love herself na dati ay hindi raw niya alam.

“I tried to teach myself to be kinder to myself and just remember how loved I am by so many people and they’re been such a tremendous help into my journey,” aniya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.