Abante Tonite Interactive

Alexa, patok ang ‘Pakipot’

Alexa Ilacad
8

MATAGAL ng passion ni Alexa Ilacad ang pagkanta.

Nag-perform siya sa reality music competition na We Love OPM.

“’Yung first reaction nila: ‘Di ba artista ka?’ Later on, sabi nila na revelation daw ako,” lahad ng teen actress na si Alexa.

“Na-realize ko rin na ang sarap pala talaga mag-perform, especially with a live band.

“When the show ended, sobra kong na-miss ‘yung pagkanta and pag-perform on stage.”

Kaya ‘grateful at blessed’ ang pakiramdam ni Alexa ngayong nai-release na ang debut album niyang To the Moon & Back (P199 ang halaga).

“Mas masaya ako ngayon na kinakanta ko na ang mga sarili kong kanta, naging more personal pa,” aniya.

Laman ng album ang carrier single na Pakipot, Suplado na ang music video ay idinirek bi Kean Cipriano.

Certified hit ito at ilang linggo nang nananatili sa ‘Biga10’ ng MOR 101.9.

Proud si Alexa na orihinal ang lahat ng awitin sa kanyang album.

“Whoever listens to my songs will be blown away by how well-written they are.

“Sanay ang fans ko na mapanood akong umaarte sa mga sweet o dramatic roles. Sa album ko, naipapakita ko ang pop rock side ko — ‘yung ako talaga!” saad ni Alexa.