Abante Tonite Interactive

“Alexander 4-Stag Derby” sa Oktubre 16 – Tobias

249

ESAKTONG ala-una ng hapon ang umpisa ng “30th Anniversary 5-Stag Derby” grand finals sa Las Piñas Coliseum ngayon, Linggo, Sept. 15 tampok ang 80 sultada.

May 11 na ang umiskor ng dalawang panalo, 23 ang isang panalo at 20 ang magpapasok ng straight five stags.

Ang mga premyo: champion, P500,000; any 4 points, P280,000; handler, P50,000 at gaffer, P20,000.

Kasunod na ang 3-stag elims ng United Manila Cavite Gamefowl Breeders Association (UMCGBA) circuit derby sa Oct. 9.

Si coliseum manager Alex Tobias ang host ng “Alexander 4-Stag Derby” sa Oct. 16 na may inaasahang 100 sultada.

“Please take note that only nationally-banded stags of FIGBA Bakbakan and PFGB Digmaan will be accepted, ” ani Tobias. (Enjel Manato)