Abante Tonite Interactive

Alexander-Marucci sanib puwersa

By
3,804

Napamahal na talaga sa South Korean star na si Alexander Lee ang Pilipinas. Si Xander Lee ang Korean actor na naging leading man ni Heart Evangelista sa Kapuso primetime series na ‘My Korean Jagiya’.

Since then, nakailang balik na rin si Alexander sa bansa. Bukod sa kinontrata rin siya ng GMA Artist Center.

Nandito nga ngayon sa bansa si Xander dahil after niyang subukan ang pag-arte sa ‘Pinas, balik music naman siya sa collaboration nila ni Marucci.

Si Marucci na kasama rin ni Xander sa press launch at kunsaan, pareho silang nag-perform ng mga kanta nila ay isang Korean singer rin. Ang tawag sa collaboration nilang dalawa ay AXM (Alexander x Marucci).

Napakinggan namin ang single nila na ‘Keep Ya Head Up.’ It’s a song to cheer up a person and give comfort.

Para kay Xander, isang malaking blessing daw sa kanya ang ginawang Kapuso serye. At ngayon nga raw, gusto naman niyang ipakita, lalo na sa mga Pinoy kung paano siya bilang isang singer/performer.
“I was surprised, it’s a big blessing from God,” saad ni Alexander.

“And this time, since a lot of people only saw me acting, I wanna show them more how I do on stage. Something different. Different image, different hair color.”

Noong Linggo lang ay napanood din ang South Korean actor sa ‘Daig Kayo ng Lola Ko’ kasama si Maine Mendoza.

Sa mga hindi nakakaalam, si Xander ay nag-debut sa South Korea bilang isang singer at mi­yembro ng boy band na ‘U Kiss’. Nakapag-release sila ng apat na mini-album at isang full album bago mabuwag ang grupo nila.

Nakarating na rin dati si Xander sa Pilipinas noong miyembro pa siya ng U Kiss kunsaan, nakapag-perform siya sa Party Pilipinas.

Ang collaboration nina Alexander at Marucci na Keep Ya Head Up ay maaaring mapakinggan at ma-download maging ang music video nito sa melon, iTunes, Spotify, Mnet at iba pang leading music sites worldwide.

Sa isang banda, aminado talaga ang South Korean star na enjoy talaga siya sa bansa.

Ayon kay Xander na natatawa, “Oh, I’m enjoying! I’m enjoying the food and my waistline is getting bigger and bigger
every day!”