WebClick Tracer

Alexandra Eala balik hard court play muli sa Washington Open

ABANTE TONITE

Balik sa hard court si Alexandra ‘Alex’ Eala makaraan ang apat na buwang pagkampanya sa clay court noong April-May, at grass court nitong June-July.

Kakaposte lang ng nitong Lunes ng career-high Womens Tennis Association world No. 28 ranking, nabigyan ang Pinay star at Globe Ambassador ng direct acceptance sa 15th Mubadala Citi DC Open (aka Washington Open) sa July 27-August 2 sa Rock Creek Park Tennis Center sa Washington D.C.

Pitong Top 20 sa mundong manlalaro ang magiging bahagi ng ng torneo na gigiyahan ni world No. 8 Elina Svitolina ng Ukraine, ang inaasahang magiging top seed. Sabak din sina Naomi Osaka ng Japan, Diana Shnaider ng Russia, Iva Jovic ng USA, Jasmine Paolini ng Italy at Russian Anna Kalinskaya.

Kasama rin sa 28-player singles draw ang Top 30 players na sina American Madison Keys, defending champion Canadian Leylah Fernandez, Danish Clara Tauson, Amarikana Emma Navarro, Anastasia Potapova ng Austria, Ann Li ng Estados Unidos at iba pa.

Huling nasa hard court play ang 21-anyos, 5-9 ang taas at kaliweteng maglarong si Eala sa Miami Open Open noong March 23 kung saan umeksit sa Round of 16 tapos ng 6-0, 6-2 defeat kay Czech player Karolína Muchova.

Kagagaling lang ni Eala sa 139th Wimbledon Championships sa London na rito’y nabiyayaan siya ng P25.3 milyon – P24.6M (£300,000) sa pag-abot sa R16 singles at P738K (£9,000) sa R64 doubles.

Ang DC Open ang traditional kickoff event ng North American hard court swing pa-US Open sa Aug. 30-Sept. 13. (Abante Tonite Sports)