Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alexandra susungkitin ang korona

0 128

NI: ROLDAN CASTRO

Isa sa malakas na kandidata ng Binibining Pilipinas ay si Alexandra Mae Rosales.

Hinuhulaan na masusungkit niya ang isang titulo ngayong gabi sa Smart Araneta Coliseum .

Hindi raw kaya magkaroon ng back-to-back Binibining Pilipinas Globe sa kinatawan ng Laguna? Ito ang tanong ng mga beauty pageant excpert.

Matatandaan na si Leren Mae Bautista ang may hawak ng korona ngayon at posibleng maipasa niya kay Alex.

Makikipag-pukpukan siya sa 34 official candidates ng BB.Pilipinas na dating 40.

Pero, laban lang ang nasa utak ni Alexandra. Siya ay twenty four year-old . Empleyado ng malaking hotel sa bansa. BS Tourism degree holder siya at nagtapos sa Malayan College.

Naging kinatawan din siya ng Pinas sa international beauty pageant abroad. Naging first runner-up sa 2015 Miss Southeast Asia Ambassadress na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Siya ay mina-manage ni Meg Perez ng Megamodels Events & Talent Mangement. Produkto rin siya ng Kagandahang Flores (KF) beauty camp ni Mr. Rodin Gilbert Flores.

Leave A Reply

Your email address will not be published.