Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alfred, Dennis ‘tinuhog’ ni Alice

0 375

Nakatakdang gampanan ng actor-politician na si Alfred Vargas ang isang espesyal na role sa upcoming cultural drama series ng GMA Network na ‘Legal Wives.’

Gaganap si Alfred bilang si Naseer Macadato, ang kapatid ni Ismael na bibigyang-buhay naman ni Kapuso Drama King Dennis Trillo. Si Naseer din ang unang asawa ni Amirah (Alice Dixson) na siya ring asawa ni Ismael.

Ang Legal Wives ay tungkol sa isang lalaking Maranaw na si Ismael na may tatlong magkakaibang babae na pakakasalan para sa iba’t ibang dahilan. Bukod kay Alice, kasama rin sina Andrea Torres at Bianca Umali sa tatlong asawa ni Dennis sa serye.

Samantala, kapansin-pansin naman ang magandang bonding ng cast mula sa mga litrato na ipinasilip ni Alfred sa kanilang lock-in taping. Makikitang kasama niya sina Dennis, Al Tantay, Bernard Palanca, pati si Shayne Sava na gaganap bilang anak niyang si Jamilah.

“Macadato Family,” ani Alfred sa caption ng kaniyang Instagram post.

Kasama rin ni Alfred sina Dennis, Bernard, Kiko Matos, at Kevin Santos na nagbisikleta sa resort kung saan sila kasalukuyang naka-lock-in taping noong day off nila.

Related Posts

ABS-CBN lumaban sa krisis

Kaya nating magsilbing liwanag sa ating kapwa at sa mundo sa kabila ng pandemya. Ito ang napapanahong mensaheng hatid ng “Feel Good Pilipinas” Special ID ng ABS-CBN na unang ipinalabas noong Mayo 30 sa iba-ibang platforms ng ABS-CBN.

Kahit ano ang pinagdadaanan ng mga Kapamilya ay patuloy silang lumalaban sa krisis.

Tampok sa Special ID ang sari-saring kwento ng mga Pilipinong patuloy na lumalaban, nagmamahal sa pamilya at kapwa, at inaabot ang pangarap maski panahon ng pandemya.

Kasama nilang naghahatid ng inspirasyon at good vibes ang mga nagniningning na Kapamilya stars mula sa iba-ibang programa ng ABS-CBN tulad ng “ASAP Natin ‘To,” “FPJ’s Ang Probinsyano,” “G Diaries,” “He’s Into Her,” “Huwag Kang Mangamba,” “Iba ‘Yan!,” “Init sa Magdamag,” “It’s Showtime,” “Magandang Buhay,” “Paano Kita Mapasasalamatan,” “Your Face Sounds Familiar Season 3,” “Aja! Aja! Tayo sa Jeju,” “Real Talk: The Heart of the Matter,” at “We Rise Together,” kasama ang “TV Patrol” at TeleRadyo anchors at MOR Entertainment MORkada.

Naroon din ang mga bituin mula sa mga programang sinubaybayan ng mga manonood tulad ng “Ang Sa Iyo Ay Akin,” “Bagong Umaga,” “PBB Connect,” at “Walang Hanggang Paalam,” at mga inaabangang palabas gaya ng “La Vida Lena,” “Marry Me, Marry You,” at “The Broken Marriage Vow.”

Panoorin ang “Feel Good Pilipinas” Special ID at makisayaw sa inyong paboritong Kapamilya artists sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, ABS-CBN Entertainment website, Facebook page at YouTube channel, at iba pang ABS-CBN platforms.

Leave A Reply

Your email address will not be published.