Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alfred istrikto sa utol

0 172

VERY close sina Alfred at PM Vargas dahil bukod sa magkapatid, iisa lang ang kuwarto nila.

Ayon kay Congressional aspirant for District 5 ng QC Patrick Michael o PM, dalawang taon lang ang pagitan nila.

“Dalawang taon lang ang pagitan namin kaya medyo magka-henerasyon. Iisa lang ang kuwarto at pareho kami ng kaibigan at kabarkada,” pagkukuwento ni PM ukol sa kapatid.

“Kapag kailangan ng kaibigan nagiging kaibigan si Kuya. Kung kailangan mo ng tatay nagiging tatay siya. Kung nanay, nagiging nanay din. Kaya talagang malaking bagay ‘yun na mayroon kang kapatid na puwedeng maging tatay, nanay, at kaibigan.”

Iginiit pa ni PM na hanga siya kay Alfred. “Proud ako sa ginagawa naming trabaho (pagtulong sa kapwa) ng kapatid ko. Ang sarap din na may ka- batch ka kasama sa mga importanteng ganap sa buhay.”

Ipinagtapat pa niya na kung minsan ay may kahigpitan din si Alfred. At aminado naman dito ang aktor.

Aniya, “Totoo minsan pinagagalitan ko siya noon pero ngayon usap-usap na lang. Nadadala na tamang pag-uusap.”

Pero hindi naman pasaway si PM, kuwento ni Alfred, “laking Sta Maria, Bulacan kami na nag-aral sa Ateneo at every weekends at childhood lagi kaming magkasama. Naalala ko pa noon kapag naglalaro kami ng taguan, hirap si PM kasi may kalakihan siya. Pero kapag ako siyempre ang taya, hindi ko siya pino-pong ha ha ha.”

Sinabi pa ni Alfred na mahalaga ang komunikasyon at pakikinig na siyang pina-praktis nilang mag-utol. “Nakikinig kami sa isa’t isa ‘yun ang importante. Kaya siguro maganda ang samahan namin.”

Samantala, hindi naman kinakabahan si PM na sikat na personalidad ang makakabangga niya sa district 5. Aniya,

“Gumawa ng batas ang pinakatrabaho ko at makatulong. And welcome naman lahat ng gustong makapaglingkod,” giit niya.

Sey naman ni Alfred kay PM. “Very proud ako sa brother ko and ‘yung nagsasabi na masipag ako, mas masipag pa siya sa akin. ‘Yung nagsasabing mahusay ako, mas mahusay siya at sa nagsasabing matulungin ako, mas matulungin siya.”

Iginiit pa ng magkapatid, “Naka-focus lang kami lagi sa mas sinserong pagtulong.”

Daniel nag-out na

MATAPOS mag-trending ni Daniel Padilla kung sino ang bet niyang presidentiable, pinag-uusapan naman ngayon ang pagkakilig ng mga dalaga ni VP Leni Robredo.

Isinapubliko ni Daniel ang suporta niya nang magpa-picture sa tabi ng campaign poster ni Leni.

Samantala,hindi naman itinago ang pagkakilig ng Robredo sister sa trending picture ng aktor .

Ibinuking ni Aika Robredo na ang bunsong kapatid nilang si Jillian ang masugid na tagahanga ni Daniel.

“Ako ‘yung nakakita sa picture kaya sinend ko kaagad kay Jillian kasi ‘yung sobrang fan na fan ni Daniel Padilla at alam kong sobrang matutuwa siya kapag makita niya ‘yun kaya lang tulog pa siya no’ng sinend ko so hinihintay ko siyang gumising para malaman ‘yung reaksiyon niya. Pero una kong naisip ‘yung kapatid ko kasi sigurado akong matutuwa ‘yon,” pagbabahagi ni Aika sa interbyu sa kanya ng Sa Totoo Lang sa One PH.

Leave A Reply

Your email address will not be published.