Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alfred, Iza di pabor sa MMFF parade

0 227

NI: ARCHIE LIAO

Bagamat kasama sa iskedyul ng taunang Metro Manila Film Festival ang parada ng mga bituin, wala pa namang pinal na pahayag dito ang organizers ng nasabing filmfest.

Pero kung ang Tagpuan star na si Iza ang tatanungin, may reservation siya ukol dito lalo pa’t may pandemya pa ng Covid-19 . Hindi pa rin ligtas ang anumang uri ng malakihang pagtitipon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Aniya, kung nagawa raw gawing online ang festival ngayong taon, keri raw silang pumarada online na may float at magkalahiwalay.

Gayunpaman, kung ano raw ang magiging pasya ng mga organizer,susuportahan daw niya ito sa pagpro-promote nito online.

Agree naman si Alfred Vargas kay Iza lalo pa’t iniisip din niya ang kapakanan ng mga taong tiyak na magkukumpulan para makadaupang palad ang kanilang mga idolo.

Mula sa panulat ni Ricky Lee at sa direksyon ni Mac Alejandre, tampok din sa Tagpuan si Shaina Magdayao. Mapapanood sa online format via Upstream simula Disyembre 25, araw ng Pasko.

Leave A Reply

Your email address will not be published.