Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alfred kabado sa utol – Lolit

0 47

NI: Roldan Castro

Kinunan namin ng reaksyon ang pamosong talent manager-columnist na si Manay Lolit Solis na pinadalhan ng dalawang bala sina Alfred at PM Vargas.

“Ngayon ko nga na-realize, mas kinakabahan siya (Alfred) para sa kapatid niya. Siguro kung si Alfred lang ‘yun, okey lang , tatawa lang . Pero dahil kapatid niya ang concern (nag-worry) lalo na very protective siya kay PM,” sambit ni Manay Lolit.

Naniniwala siya na bayolente ang parating na election dahil sa mga balita. Gaya na lang ng 2 bala na pinadala… isa umano para kay PM at isa para kay Alfred.

“I’m sure nga mas kabado pa si Alfred para kay PM kesa sa kanya,” sambit pa niya.

Si Alfred ay tumatakbong konsehal samantalang lumalaban naman si PM na congressman ng District 5 ng Quezon City.

Matatandaan na bahagi ng official statement ng magkapatid.

SM food to go Banner Ad

“Sa mahigit isang dekada na nating paglilingkod sa distrito, ngayon lamang po ako nakatanggap ng death threat. Ngayon lang nagkaroon ng ganitong klase ng halalan, marumi, magulo, at mapanganib,” ani PM.

Pero hindi sila nagpapatinag at tuloy ang laban.

Binisto rin ni Alfred na apat na beses inalok si PM para umatras sa halalan.

“Umabot sa daan-daang milyong piso ang inalok sa amin para talikuran na namin ang Distrito Singko. Gumamit sila ng iba’t ibang emisaryo para paatrasin kami sa laban na ito.

“Ni minsan, hindi namin naisip na ikompromiso ang aming dangal at prinsipyo. Hindi namin kayang talikuran ang Novaleno,” lahad ng aktor-politician.

Dahil sa death threat, nakiusap si Alfred na maging mapagmatyag sa lahat ng uri ng karahasan na may kinalaman sa eleksyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.