Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alfred naudlot sa serye

0 66

Marami ang nagtatanong kung tatakbo ba si Cong. Alfred Vargas ngayong halalan 2022.

Magpo-focus na ba siya sa showbiz dahil sinamahan lang niya ang kanyang kapatid na si PM Vargas sa paghahain ng kandidatura? Hindi siya nag-file ng candidacy.

Hindi kaya manggulat na lang siya hanggang October 8 kung ano ang tatakbuhin niya?

Nu’ng magkatsikahan kami sa Star Awards , hindi pa siya decided kung ang tatakbuhin niya.Si Cong. Alfred ang host ng Star Awards for Movies, Music (Oct.10) at TV (Oct.17).

Ayon naman sa aming source, nawala diumano siya sa isang serye na kasama si Sunshine Cruz dahil balitang tatakbo raw ito.

Ano kaya ang final niyang plano?

Samantala, si PM ang papalit sa kanya dahil last term na niya bilang representative ng 5th district ng QC.

Todo ang suporta niya sa kanyang utol.

” I am supporting him because I believe in what he stands for. I’ve known him all his life. We come from the same tree and the fruit never falls far from it. I am proud of PM but I am sure mom and dad are even prouder of him,” bulalas pa niya.

“I am proud of PM. He is a natural when it comes to connecting with people and he has an instinct for feeling and understanding their needs. Mataas rin ang ’empathy quotient’ niya. Minana namin Kay mommy,” deklara ni Rep. Alfred Vargas,

“His decision to run for a congressional seat made me emotional on so many fronts. Naalala ko si mommy and how she would have been proud of her youngest son. Public service is one of her legacies which has inspired all her children not only to be of help to the less fortunate and disadvantaged but to effect positive change. Si PM ang isang matibay na sandalan ko sa tatlong termino ko bilang kongresista. He would support me in all my initiatives no matter how unpopular they may be. Pag kailangan, dapat may pagkilos anuman ang balakid, he would reassure me. Kinausap niya ako bago siya nag file ng COC. Sabi niya, ‘dapat pang ituloy ang lahat ng iyong ipinaglalaban, Kuya. I understand your cause and vision. And because of that, I will run. Your positive effect on the lives of our ka-distritos has to continue. I will do it for your constituents. You and I owe them that.’ Then I knew, my brother and I are one,” lahad pa ni Alfred.

Leave A Reply

Your email address will not be published.