Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alfred, PM pinapangiti ng mga asawa

0 136

NI: ROLDAN CASTRO

Tahasang sinabi ni Cong. Alfred Vargas na pinakamaganda ang ngiti sa mga celeb ay sina Julia Roberts, Jessica Alba, Diana Zubiri, Shaina Magdayao.

Ang mga nagpapangiti naman sa kanya bawat araw ay ang kanyang mga anak at misis niyang si Yasmine Espiritu.

“Malaki rin ang ngiti ko kapag nakita kong nakatulong ako sa ibang tao. More on fulfillment ang nararamdaman ko kapag ganoon. Ang sarap ng feeling,” deklara niya.

Ganoon din si Konsehal PM Vargas laging pinapangiti ng asawang si Chrissy Rocket.

Dahil dito, bet nilang magkapatid na ngiting artista ang kanilang mga ka-distrito.

“Ang ngiting artista ay isang programa kung saan tayo ay nagbibigay sa ating mga constituent ng libreng pustiso since 2010. Konsehal pa lang si kuya (Alfred) ay nagbibigay na tayo n’yan. Napaka-importante n’yan sa maraming tao kasi kahit kami kapag nag-iikot kahit hindi pa uso ang facemask tinatakpan nla ang bibig nila nahihiya talaga sila minsan kung kulang sila sa ngipin. At siyempre hindi lang para sa magandang ngiti kundi pati na rin kalusugan nila. Kasi kung wala kang ngipin paano ka ngunguya. Paano ka makakakain ng masasarap na pagkain tulad ng chicharon, crispy pata?,” bungad ni Konsi PM na tumatakbong congressman sa District 5 ng Quezon City.

Dagdag naman ni Rep. Alfred,”Isa ‘yung ngiting artista sa mga proud tayong projects through the years. More than a decade na natin itong ginagawa. At lahat ng nakatatanggap ng ngipin-pustiso tuwang-tuwa. Dito natin makikita ang halaga ng magandang ngiti, isang confident na ngiti. Kasi ang sarap mag-apply ng trabaho at magpa-interview kapag confident ka.

“Kapag may maganda kang ngiti maganda rin ang pakikisama mo, a simple smile can make one person a very very happy,” hirit pa niya.

Para sa mga gustong sumali, i-PM nyo na lang po sa pmvargasD5 dahil once na magbukas uli ang slots para sa libreng pustiso ay ipapasok nilang lahat.

“ ‘Yung ngiting artista program hindi lang ito tungkol sa magandang ngiti sa mga kasamahan natin sa Novaliches kundi tungkol din sya sa pagdadagdag ng ngiti sa mga tao. Importante na mayroon tayong ngiti,” sambit pa ni PM.

“Sana ang Ngiting Artista Program na ito nakapagdala ito ng saya hindi lang sa bawat pamilya ng Novaleno kundi sa buong distrito. Patuloy po ang ating Ngiting Artista Program,” bulalas naman ni Cong. Alfred.

Leave A Reply

Your email address will not be published.