Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alfred willing mag-showbiz ang mga anak

0 213

Bongga ang bonding ni Cong. Alfred Vargas sa kanyang mga anak.

Napanood namin ang kanyang IG live nu’ng Sunday kasama ang tatlo niyang dyunakis ma magaganda at pogi.

Artistahin sina Alexandra, Aryana at Cristiano. Papayagan ba niya ang mga ito kung gusto nila sumunod sa kanyang yapak bilang aktor?

“Oo naman, napakalaking parte ng buhay ko ang pagiging artista, ‘yan ang bumuhay sa pamilya ko. Pero I always tell them na never ko silang pipilitin kung ano man ang gusto nilang landas na tahakin,” pakli ni Alfred. “Malaki ang maitutulong ko if they become interested in this industry at lagi ko silang susuportahan and I’ll be the proudest father. Actually, I see potential sa tatlo when it comes to the arts. Si Ching, yung panganay ko, has the eye sa photography. Si Aryana naman loves performing. At yung bunso ko, si Cristiano, laging ginagaya ang mga pinanood namin sa Netflix. One time nga ginaya niya si Joey sa Friends, tawang-tawa kami. Mahalaga ang love and passion for the arts kahit hindi nila gawing profession. Art feeds your soul,” dagdag pa ng aktor.

Ano ang maipapayo n’ya sa mga gustong maging artista lalo ngayong pandemya?

“I think it’s the perfect time for them. There are so many opportunities because of different online platforms. Kahit sino ka pa, kahit taga saan ka pa, you have a chance to make it. Here’s my advice; just be yourself. You don’t need to pretend to be somebody else. The pandemic is just a hurdle in the pursuit of your dreams. Challenging na hurdle pero kaya basta determinado. Work on your dreams without stepping on others. At kapag nasa tuktok ka na, huwag mong kalimutan ‘yung mga kaibigan at kasama na tumulong sa iyo dahil hindi mo ‘yan mararating nang mag-isa. Help others achieve their dreams as well. I think that’s the important lesson I’ve learned in this industry. Aanhin naman natin ang kasikatan kung hindi naman tayo nakatulong sa iba, di ba?,” lahad ni Cong.

Anyway, abangan si Alfred bilang host ng 36th PMPC Star Awards for Movies kasama si Sanya Lopez sa Linggo, September 26, 6PM sa STV (DTT channel na napapanood sa telebisyon basta’t may digital antenna o TV box) at sa RAD online platform (www.iamrad.app).

Mapapanood din ang vlog nina Alfred, misis niyang si Yasmine at mga anak niya sa VARGAS NA PAG-IBIG YouTube channel.

Iwa palaban sa mga basher ni Ping

Huwag na huwag magkakamali ang mga troll na sindakin ang Starstruck alumna na si Iwa Moto .Tiyak na mapapalaban sila.

Bukod sa dugong Hapon, parang taglay na rin nitong si Iwa ang dugong Caviteno sa pagiging matapang para ipagtanggol ang kaniyang father-in-law na si Ping.At siyempre para ipaglaban ang kaniyang opinyon.

Kapag nagpo-post kasi itong si Iwa tungkol kay Ping na tatakbong pangulo sa 2022, at katambal si Tito Sen Sotto na kaniyang VP, may mga nagkokomento na pare-pareho ang kuda o kaya naman eh mang-iinis lang at maninira.

“Kung maka judge kayo kala mo napaka linis. Tapos puro naman trolls!!! Dun kayo mag rant sa page nyo wag sa page ko,” pambabara ni Iwa sa trolls.

“Pasalamat ka bored ako now kaya pinansin kita. Pero again share your opinion sa platform mo! Not here! Plus hindi naman ako tumatakbo ah bakit sakin mo sinasabi yan?,” sabi pa ni Iwa, na asawa ang junakis ni Ping na si Pampi.

Sabagay, noon pa man eh target na ng mga bayarang trolls (na balitang bongga ang sahod), itong sina Ping at Tito Sen kahit hindi pa sila nagdedeklarang tatakbong president at VP sa 2022. Eh ‘di lalo na ngayon.

Pero kung sila ang target ng trolls, ibig sabihin eh matindi talaga ang tandem nilang dalawa kaya gusto silang siraan at gibain. Ganun?

Leave A Reply

Your email address will not be published.