Abante Tonite Interactive

Ali iduduyan ka sa ulap

753

Handa na ang dating beauty queen at Pinoy Big Brother housemate na si Ali Forbes na ibuyangyang ang kanyang katawan. Iduduyan ka niya sa ulap para sa kanyang launching movie. Ang tema nito ay period o historical na tadtad ng mga sexy scene.

Gaganap siya rito bilang prostitute noong panahon ng Kastila. Gagawin ito ni Ali for arts sake. May K naman siya sa nasabing role dahil maganda ang kanyang katawan. Kitang-kita ang pruweba sa kanyang two-piece photo.

Magsisimula na ang shooting ng launching movie ni Ali na ang location ay sa bandang Norte. Ito ay sa direksyon ni Joel Lamangan. (Rommel Placente)