Abante Tonite Interactive

Ali tinuruang maglandi ni Direk Joel

By
0 1,061
Isang flirt na intern ang papel ni Ali Forbes sa pelikulang ‘Rainbow’s Sunset’, isa sa entry sa Metro Manila Film Festival 2018 na magsisimula sa December 25.

 

Ito ay tinatampukan nina Eddie Garcia, Gloria Romero, Tony Mabesa, Aiko Melendez, Tirso Cruz III, Sunshine Dizon, at iba pa, mula sa pamamahala ni Direk Joel Lamangan.

 

Ayon kay Ali ay nakaramdam siya ng sobrang pagka-overwhelm nang naging bahagi ng pelikulang ito. “Sobrang overwhelmed ako. Sobrang happy ako na ‘yung first movie ko si Direk Joel, ‘tsaka yung mga kasama ko lalo na sina Sir Eddie Garcia, Ate Aiko, Tirso Cruz… lahat sila sobrang magagaling na artista. So, nakaka-overwhelm at nakakatuwa na ‘yung first movie ko ay sila ang kasama ko,” saad ng aktres na dating beauty queen din.

 

Aminadong kinabahan siya sa eksenang parang sine-seduce or nilalandi niya si Tirso na siyang head ng departamentong pinapasukan niya. “Opo, sobra,” pakli ni Ali.

 

Kanino siya pinaka-kinabahan sa eksena niya rito? “Siguro kay Sir Tirso, kasi siya talaga ‘yung naging kaeksena ko lalo na ‘yung eksena namin na medyo daring siya. Iyong, sine-seduce ko siya, ‘di ba?

 

“Siyempre, kasi una ay nakakailang… parang papaano ba ang gagawin ko, dahil Tirso Cruz iyan, eh. Kaya mapapaisip ka, ‘Papaano ko gagawin yun?’

 

 

“Pero sabi ni Direk Joel, sabi niya sa akin na isipin ko na lang talagang naglalandi ako. Ganoon. O kunwari raw… ‘Kunwari may boyfriend ka o whatever, paano ka maglandi o kaya kahit sino, basta humugot ka kung papaano ka maglalandi,’ Ganoon… Actually, iyon ‘yung sinabi sa aking words ni Direk Joel,” nangingiting sambit pa ni Ali.
Dagdag pa niya, “Pati naman si Kuya Tirso, bago namin gawin ang eksena, sabi niya, ‘Huwag ka sa akin mahiya’. ‘O hawakan mo ako rito,’ ganito, ganyan… Kaya yun, sabi ko, ‘Okay po, okay po’.”

 

Ang Rainbow’s Sunset na mula Heaven’s Best Entertainment Productions ay isang fa­mily movie na swak sa buong pamilya ngayong Pasko. Pati ang LGBT community ay tiyak na maaantig sa pelikulang ito. Mapapanood dito si Ramon (Eddie), isang dating senador na iniwan ang kanyang pamilya para samahan ang kanyang gay friend (Tony, na dati niyang karelasyon) na may sakit na cancer, at hindi rito tumutol ang kanyang misis (Gloria).