Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alice Dixson isisiwalat ang ‘taong ahas’

0 1,200

Makalipas ang ilang dekada, sa wakas ay idedetalye na ni Alice Dixson ang istorya sa likod ng urban legend na ‘taong ahas’.

Sa Instagram video ni Alice, binalikan nito ang mall kung saan nagsimula ang tsismis na umano’y nakidnap siya ng isang tao na itsura umanong ahas.

“Hindi ko gustong buhayin ang chismis; that is the farthest from my intention. Nais ko lng linawin ang mga naganap sa (pangalan ng mall) noong dalaga pa ako,” sey ni Alice.

Related Posts

Ito raw ay pangako ng aktres sa kanyang kaibigan makalipas ang tatlong dekada matapos pumutok ang haka-haka.

“I made promise to a dear friend – I said I would tell my side of the story this year at dahil 30 year anniversary na this month, it is NOW time,” aniya pa.

Dati nang sinabi ni Alice sa kanyang guesting sa ‘Sarap Diva’ na hindi umano totoo ang nasabing istorya, ngunit hindi idinetalye kung papaano nagsimula ang nasabing urban legend.

Nakatakdang ilabas ni Alice ang kanyang vlog ukol sa ‘taong ahas’ sa kanyang Youtube channel. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.