Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alido asinta ‘AT’ card

0 67

Kumpiyansa ang rising star na si Ira Alido na makakapag-level up siya, aasinta ng Asian Tour card sa 2021 restart makalipas ang Philippine Golf Tour breakthrough win nitong December 11 sa Riviera Golf and Country Club sa Dasmariñas City.

Tumabla ang 19-ayos na former amateur standout sa ikalawang puwesto kay Rupert Zaragosa sa unang PGT bubble event na pinagwagian ni Antonio Lascuña Jr. sa Couples course nitong November saka dinomina ang ikalawa sa Langer.

Related Posts

Kinapos lang ang former De La Salle Santiago Zobel School stalwart ng two strokes para sa 2020 region’s premier circuit sa malupit na Qualifying School sa kaagahan ng taon at nagkaroon lang ng temporary status slot.

Nangangahulugan aniyang makakalaro siya sa ilang events pero nakansela ang mga torneo nitong Marso, maging ang restart nitong Setyembre dahil sa mga travel ban na hatid ng pandemya kaya balik saw ala ang lahat. (Ramil Cruz )

Leave A Reply

Your email address will not be published.