Abante Tonite Interactive

Aligaga, 5 pa wushu bet pipitasin ang ginto ngayon

178

Sampa sa finale ng sanda discipline ng wushu ang lahat ng anim na bet ng Team Pilipinas.

Ngayong araw makikipagbuno sa gold medal ang lima sa men’s at isa sa women’s squad matapos laktawan ang mga nakatapat sa semifinals kahapon sa World Trade Center.

Nakasiguro na ng silver medal sina Jessie Aligaga (48kg), Arnel Mandal (52kg), Francisco Solis (56kg), Gideon Fred Padua (60kg), Clemente Tabugara (65kg) at nag-iisang women’s survivor Divine Wally (48kg) matapos ipanalo ang kani-kanilang semifinals matches sa World Trade Center kahapon.

Papagitna rin muli ngayon si Agatha Wong, susubukang idagdag ang gold sa taijijian event sa nauna niyang nakuha sa taijiquan.

Pinakamaingay at pinakamabilis ang panalo ni Solis, nangailangan lang ng 11 seconds para dispatsahin ang Malaysian foe na si Kai Wen Teng. Ginamitan ni Solis ng side throw ang kalaban na nangayaw na matapos ang mandatory eight count.

“All-out na ‘to para sa bayan,” sambit ni Solis. (VE)