Abante Tonite Interactive

Alindog ni Bangs humihirit

By
0 686
Mapapamura ang sinumang barakong nagpapantasya ng kanyang kagandahan.
Matapos itong magbuntis, manganak at maging abala sa pagiging mommy, eto na nga siya at walang habas na ipangalandakan ang kanyang kaseksihan.
Aba, parang hindi nga nagsilang ng sanggol si Bangs sa kaseksihan nito ngayon.
Kitang-kita sa kanyang Instagram picture ang pruweba ng kanyang kaseksihan.
Abante Hiring – IT dep
Mas umaangalisaw nga ang kanyang sex appeal.
Para siyang pabango na nag-iiwan ng halimuyak. Mas mukhang bata ngayon si Bangs. Ibig sabihin, fresh ang itsura niya.
Nakakapaglaway ang kaseksihan ng aktres. Napatunayan nito na kaya niyang ibalik ang alindog kahit nagkaanak na siya.
Hindi nagkamali si Lloyd Birchmore, isang Fil-Brit businessman, na pakasalan si Bangs. Super-jackpot siya sa aktres.