Abante Tonite Interactive

Alindog ni Lian pampahina ng tuhod

1,535

Hot momma kung isalarawan ang dating EB Babe na si Lian Paz. Talagang nag-aapoy ang kanyang kariktan sa post niyang sexy photo sa kanyang Instagram at Facebook account.

Malaking bagay ang malunggay juice na iniinom niya kaya para siyang walang anak sa pigura niya.

Pihadong manghihina ang tuhod ng mga kalahi ni Adan sa pangarap na siya ay makaulayaw.

Pero, masaya na ngayon si Lian sa piling ng negosyante at non-showbiz guy na si John Cabahug. Naninirahan sila ngayon sa Cebu.

“Ngayon po, I am very happy that everything is doing well. God is so good and faithful po tito. He has given me another chance in life to grow as an individual and most especially as a mother.

“Very thankful ako kay John and his family sa lahat. Kung hindi sila binigay sa’kin ng Diyos, ang hirap po bumangon. From our children, John and I and the business, everything is doing great. Salamat sa Diyos. Family business na dating endorsement ko which is Skinmate. Now, John and I are pushing our very own vdrink malunggay juice now out in the stores and big pharmacies in Cebu. As of now, we are marketing it in Luzon already and other places in the Philippines through online muna sa Facebook page and Instagram Vdrink malunggay juice and @vdrinkphilippines,”kuwento ni Lian nang maka-chat namin sa Facebook.

“Also, Papa (John’s Father) gave me the responsibility to handle our resort here in Catmon, Cebu. (Northern part of Cebu) A private resort with 5 rooms that is for exclusive bookings and soon a 5 hectare resort na tinatayo po sa Dalaguete (Southern part of Cebu),” dagdag pa niya.

Maganda ang buhay ni Lian kahit iniwan niya ang showbiz. (Roldan Castro)

Tonite – Wendys Inhouse Ad