Abante Tonite Interactive

Alindog ni Shola napalitan ng bangis

7,275

Mga laro sa Huwebes: (FilOil Flying V Centre)

8:00 a.m. — LPU vs CSB (jrs)
9:30 a.m. — LPU vs CSB (m)
11:00 a.m. — LPU vs CSB (w)
12:30 p.m. — UPH vs San Beda (w)
2:00 p.m. — UPH vs San Beda (m)
3:30 p.m. — UPH vs SBC (jrs)

Maamo ang mukha, nakakabighaning tini­tigan si Shola Alvarez pero kahapon naging mabangis at mabalasik muna upang akbayan ang Jose Rizal University sa 27-25, 25-23, 22-25, 16-25, 15-12, alpas kontra San Sebastian College sa 93rd NCAA women’s indoor volleyball tournament sa FilOil Flying V Center, San Juan City.

Inukit ni gradua­ting hitter Alvarez ang career-high 28 points upang pasanin ang Lady Bombers sa ­unang panalo matapos yumuko sa opening day game laban sa San Beda College.

May kartang 1-1 ang Lady Bombers kapareho ng Lady Stags na kulang sa sandata.

“Sobrang happy na nanalo kami kasi vete­ran team sila and may winning legacy,” saad ni JRU coach Mia Tioseco. “Dalawang sunod na taon silang nasa Finals and siyempre it’s a very big step for us.”

Nirehistro ni rookie Dolly Versoza ang 15 markers habang si Season 92 Best Opposite Spiker Karen Montojo ay nag-ambag ng siyam na puntos para sa Mandaluyong-based volleybelles.

Kumana si Nikka Dalisay ng 17 pts. para sa SSC habang si team captain Joyce Sta. Rita at Daurene Santos may tig 16 na puntos.

Sa men’s play, binali­bag ng Mapua ang nagkukumahog na Colegio de San Juan de Letran, 25-20, 25-11, 25-21 upang siluhin ang unang­ panalo sa dalawang laro. (Elech Dawa)