Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aling Susan pinaimbestigahan kina Vilma, Charo

0 449

NI: ALWIN IGNACIO

Super mega trending ang pangalang “Aling Susan” sa Twitter. At kapag inyong sinaliksik kung bakit, malalaman niyo na ang matandang aleng ito ay isa sa mga nakakainis na nagmamalinis .At yes, oh yes, huwag tularan ang tulad niya.

Sa true, nakakaloka ang suklam niya sa mga bakla .’Yung tranny na binabato niya at hinampas ng kung ano man, dapat saklolohan. Ang magtandang walang pinagkatandaan, hindi ko alam kung ano ang gagawin sa kanya.

Parang dapat yata, ang November birthday legend, si Vilma Santos, hanapin itong si Aling Susan. Imbestigahan at pangaralan tungkol sa karapatan ng mga taga-pink community.

SM food to go Banner Ad

Naku Congresswonan Rosa Vilma Santos-Recto, si Aling Susan ay isang buhay na patotoo kung bakit ang SOGIE Bill na kasalukuyang inaagiw, pamununuan mo na kayang maipasa ito para naman ang mga bumabalahura at bumalasubas sa mga LGBT peeps eh mawakasan na.

At kay Ms. Charo Santos, pasaliksik mo kaya sa MMK researchers mo kung bakit ganun na lang ngitngit nitong si Aling Susan sa mga bakla.

Baka kasi Ms. Charo, pag nailagay sa MMK ang buhay niya. Baka kasi maunawaan pa ang kanyang pagmamaldita.

Kaso, wala na nga palang MMK kasi wala na ang ABS-CBN. How sad! After a few hours of infamy, sure na sure na hindi malilimutahn ang masaman pag-uugali nitong si Aling Susan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.