Abante Tonite Interactive

Alipores ng senador takot sa BIR

402

Mukhang tinago ng alipores ng senador ang mamahalin niyang sasakyan.

Hindi yata dineklara ni mokong sa kanyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) ang pang-mayaman na kotse.

Kung pagbabasehan kasi sa suweldo niya sa Senado, hindi ito tumutugma sa presyo ng kotse kaya posibleng pinag-iinitan na ito ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Kaya ang ginagawa ngayon ng alipores o staff ng senador, pinalalabas niyang mumurahing sasakyan lamang ang kanyang minamaneho, ‘yung mga mo­delong ginagawa lang na pang-taxi.

Clue: Ang staff na tinago ang mamahaling sasakyan ay nagtatrabaho sa senador na may letrang L sa pangalan.