Abante Tonite Interactive

Alipores ni Garcia walang tapon

By
120

Mga laro ngayon: (MOA Arena)
4:30 pm – Phoenix vs. NLEX
7 pm – Rain or Shine vs. NorthPort

Hindi pa halos nakakahinga mula sa tatlong sunod na laro, balik ng MOA Arena ang Rain or Shine para harapin naman ang NorthPort sa nightcap ng double-header mamaya.

Sa huling tatlo ay 2-1 ang Elasto Painters at 4-1 overall, nasa likod ng namamayagpag na Phoenix Fuel Masters (4-0). Na­silat ang RoS sa Blackwater (111-99) noong Jan. 30 pero nakabalik kontra San Miguel Beer (108-98) maka­lipas ang dalawang araw bago hiniya ang Alaska (85-72) noong Linggo sa Pasay venue rin.

Nasa likod lang ng Painters ang 2-1 Batang Pier na Jan. 25 pa huling sumalang nang lunurin ng Columbian 110-100.

“Maganda ang condition namin,” bida ni Rain or Shine second-year guard Rey Nambatac na nag-deliver ng 12 points kontra Aces. “At may momentum kami papunta sa crucial games namin.”

Lahat ng tinapik ni coach Caloy Garcia noong huling laro ay pumasok sa scoreboard maliban kay sophomore Sidney Onwubere.

“One big key is that all our guys are contributing,” ani Garcia.

Sa kabilang banda, pagkatapos ng unang dalawang laro sa pros ay nag-average si roo­kie Robert Bolick ng 20 points, pero nadiyeta sa tatlo mula sa 1 of 7 shoo­ting nang matapat kay top pick CJ Perez at Dyip.