Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aljur hinamon ng demandahan ni Kylie

0 155

Umani ng samu’t saring reaksyon ang naging rebelasyon ni Kylie Padilla kay Aljur Abrenica sa KMJS ni Jessica Soho.

Ito ay para linawin ang kanyang panig sa sinabi ng estranged partner na siya ang unang ‘nagloko’sa kanilang relasyon.

Pinanindigan naman ni Kylie na never siyang nagkaroon ng extramarital affairs sa ibang lalake while they were formally married ni Aljur.

Sey pa niya, hindi raw niya magagawa ang makipag-date sa iba dahil busy siya sa pag-aalaga sa kanilang mga anak at sa pagbi-breastfeed sa bunso niyang si Axl.

Aniya, kung totoo naman daw talagang meron siyang lalake ay aaminin niya ito, lalo pa’t may naging usapan na sila ni Aljur na puwede nang makipag-date ang bawat isa sa kanila sa iba.

Hirit pa niya, unfair daw ang akusasyon sa kanya lalo pa’t nahuhusgahan siya sa kasalanang hindi naman niya ginagawa.
Giit pa niya, bilang ina, gusto raw niyang protektahan ang kanyang mga anak at manatiling matatag sa lahat ng kanyang pinagdadaanan.

May ‘dare’rin ang aktres na kung may sasabihin pa ang kanyang ex ay dalhin na lang daw nila ang usapin sa korte.

Alex nilangaw ang pasabog

Kumbaga sa box office, nilangaw ang pasabog ni Alex Gonzaga sa kanyang vlog tungkol sa kanyang pregnancy journey.

Dahil nga sa na-iskup na ang kanyang miscarriage ng beteranang kolumnistang si Manay Lolit Solis sa kanyang Instagram account. Lumabas na hindi na masyadong naging maingay ang kanyang isiniwalat sa kanyang YouTube channel.

Kumpara rin kasi sa iba niyang entries sa kanyang vlog na hit talaga.

Sa kanyang vlog, sinabi naman ng actress at Youtuber na umaasa pa rin sila ng mister na si Mikee Morada na balang araw ay makakabuo muli sila ng kanyang hubby.

Hirit pa niya, kaya raw nila ginawa ang nabanggit na entry sa kanilang vlog ay para magbigay ng inspirasyon sa iba. Bet din nila ipakita sa mga taong dumaranas ng mga pagsubok sa buhay tulad ng kanyang pinagdaanan na hindi dapat mawalan ng pag-asa.

Angeline pumatol sa bagets

SM food to go Banner Ad

Sinadya ni Karen Davila ang biriterang singer na si Angeline Quinto sa bahay nito para ma-interview .

Naikuwento rin ni Angge na sobrang nami-miss niya ang kanyang nakagisnang ina.

Kapag nga raw kumakain siya ay ipinaghahanda rin niya ang ina-inahan ng pagkain na parang kapiling pa niya ito.

Sa tanong naman ni Karen, kung naging opisyal bang naging magnobyo sila ng dating nali-link sa kanyang si Erik Santos, ani Angeline, never daw naging sila.

“Singing partner ko po talaga si Erik, isa sa mga matatalik kong kaibigan sa industriya,” aniya.

Gayunpaman, sinubukan daw nila pero hindi raw namang nag-work out dahil talagang magkaibigan lang ang turingan nila sa isa’t-isa.

“Ginawa namin ’yun kaya lang para kaming natatawa sa isa’t isa,” pagbabalik-tanaw niya. “Kaya sabi ko ‘Pogs, ’wag nating pilitin. Talagang magkaibigan lang tayo,’ kasi minsan magiging sweet kami tapos matatawa na lang kami,”dugtong niya.

Pero kung si Mama Bob daw ang tatanungin, boto raw naman ito kay Erik.

Sa tanong naman kung sino ang bago niyang inspirasyon, hindi naman ikinaila ni Angeline na may non-showbiz boyfriend na siya.

Nagsimula raw silang mag-date at nagkakilala through a common friend.

Aniya, mas bagets daw ito sa kanya.

Tungkol naman sa identity ng nasabing lalake, minabuti na lang ng singer na hindi ito i-disclose para protektahan ang privacy nito.

“Gusto ko na mas private na lang,” hirit niya. “Kasi syempre ’yung trabaho natin masyado nang alam ng publiko,” pahabol niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.