Abante Tonite Interactive

Aljur-Kylie pakakasal na

4,640

tonite-pak-allan-diones

Later this year ma­gaganap ang ka­salang Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Matagal nang engaged sina Kylie at Aljur and finally ay magiging legal na ang pagsasama nila bago matapos ang taon.
25-anyos ang Kapuso actress at 28-anyos ang Kapamilya hunk, na mag-iisang taon na ang cute na anak na si Alas Joaquin.

Tapos na ang taping ni Kylie ng ‘The Cure’ na magwawakas ma­mayang gabi sa GMA Telebabad, so maaasikaso na niya ang first birthday party ni Alas next week.

Sa August 4 ang big party ng bagets, na zoo ang theme dahil mahilig ito sa mga hayop.

Nu’ng una ay ayaw ni Kylie na magpa-party sila for Alas at mas gusto niyang mag-travel na lang sila abroad, pero si Aljur ang nagsabi sa kanyang importante ang 1st, 7th at 13th birthday kaya dapat i-celebrate.

Darating ang Mommy Liezl Sicangco ni Kylie para dumalo sa party ni Alas. First time makikita ni Liezl ang apo nito kay Kylie.

Hands-on ang tisay na aktres sa pagpaplano ng birthday party ni Alas, gaya rin ng personal niyang pag-aasikaso sa kasal nila ni Aljur.

Kung si Kylie ang tatanungin ay gusto niya ng intimate wedding lang.

“Feeling ko, hindi mo naman kailangan ng mala­king wedding. Kailangan, ayusin ‘yung relasyon, ‘di ba? ‘Yun ‘yung sa aming dalawa ni AJ.

“Actually, ‘yung pagpapakasal namin is for our families to come together. Para rin si Alas, buo kami as a family. Pero kaming dalawa ni AJ, okey na kami na basta maayos kami,” bulalas ni Kylie.

Kailan exactly at saan magaganap ang wedding nila ni Aljur?

“Secret!! Somewhere over the rainbow! Ha! Ha! Ha!” tawa ng pretty daughter ni Robin Padilla.

Wala pa raw final details ang kasal. Kaya wait na lang daw natin ang official announcement nina K­ylie and Aljur.

LJ tameme sa wedding kay Paolo

Kung sina Kylie at Aljur ay sure nang ikakasal ngayong 2018, si LJ Reyes ay hindi pa masagot kung kailan sila haharap sa altar ng nobyo niyang si Paolo Contis.

“Ewan ko. Bakit ako? Ha! Ha! Ha!” natatawang reaksyon ni LJ, na huwag daw munang tanungin tungkol sa kasal-kasal.

Nu’ng July 22 ay nag-8th birthday ang anak ni LJ (kay Paulo Avelino) na si Ethan Akio at ang sweet ng message ni Paolo for Aki, na ang sabi sa kanyang IG post ay haharang siya ng bala para kay bagets.

May malaking tattoo pa si Paolo ng ‘AKIO’ sa kanyang dibdib. Grabe, ganu’n nito kamahal ang anak ni LJ.

Samantala, finale episode na tonight ng epidemic seryeng ‘The Cure’ kung saan first time nagkontrabida ni LJ kay Jennylyn Mercado.

May mga eksenang nag-aaway sila, pero sabi ni LJ ay maingat sila ni Jen na huwag sila magkasakitan.

Mami-miss ni LJ ang mga kuwentuhan nila ni Jen sa set tungkol sa mga anak-anak nila. Sobra niya ring mami-miss si Ms. Jaclyn Jose at ang mga usapan nila off-camera dahil ito raw ang lagi niyang kasama dati sa tent.

Ngayong gabi na malalaman kung sino ang ‘cure’ sa kumalat na virus na napakaraming na-infect. Napapanood ang ‘The Cure’ pagkatapos ng 24 Oras.