Abante Tonite Interactive

Aljur namanhikan kay Robin

By
2,536

ANG nakatakda ay tala­gang mangyayari sa tamang panahon at pagkakataon kaya hindi na kataka-taka ang ginawang pamamanhikan ni Aljur Abrenica, kasama ang kanyang pamilya kay Kylie Padilla.

May mga salitang binitawan, parang may pag-aalinglangan, at kung ano-ano pa, lahat iyan, ti­nuldukan na, hindi, tapos na may tandang pandamdam kasi nga, ang Machete of the generation, pinakita sa lahat ang kanyang sinseridad at wagas na pagmamahal kay Padilla at sa kanilang anak dahil sa pangyayaring ito.

Proud at happy si Abrenica sa kaganapan. Sabi niya nga sa kanyang IG post, “Wala ng mas mahalaga pa sa pamilya at siyempre sa ngiting ngayon ko pa lang nakita sa mahal ko. Salamat po sa mainit na pagtanggap.”

At alam niyo na naman dear readers kung sino ang mainit ang pagtanggap kay Aljur, siempre pa kay Robin Padilla, na ama ni Kylie na sa wakas, ay matatahimik na ang kalooban dahil nga tiyak na ang sunod sa pamamanhikan ay kasalan. Sinagot ang dasal ni Padilla na siempre ang kagustuhan ay nasa maayos ang kanyang panganay na babae.,

Mainam ang ginawang ito ni Aljur. Ipinapakita niya na una, timing is every thing at pangalawa, dakila talaga ang kanyang pagmamahal sa kanyang sinta, ang nanay ni Alas.

Abangan na lang natin ang mga susunod pang kaganapan.

Kung kailan at saan ang kasal. Kung may ispesyal na partisipasyon ba ang kanilang baby boy. Kung sino ang gagawa sa wedding gown ni Kylie at mga ninong at ninang.

Ngayon pa lang, mabuhay kayo, the soon to be Mr. and Mrs. Aljur and Kylie Padilla-Abrenica.

Pamatay ang pakilig ng asawa ni Anne

DAHIL nga pumapag-ibig month pa rin, marami ang kinilig at ‘yung mga eksaherada, na-teary eyed pa raw sila sa pamatay na pakilig na mensahe ni Erwan Heussaff para sa kanyang misis na si Anne Curtis-Heussaff.

Ang emote ni Erwan sa kanyang post, “There is nothing more I enjoy in life than watching you have a good time, stuff your face and be merry.  There is a certain way that you look at me that’s hard to describe but that will always let me know if we are where we are supposed to be. Now that you’re my wife, my job is all those things become constants on the road ahead. this your 8th birthday that we are cele­brating together, yet it always feels so new and exhilirating. In the words of the King, “ Well, I love you for what you are. I even love for what you may become.”

O, di ba, super romantic pala itong si Mr. Heussaff. He knows how to express his feelings at alam mong hopelessly in love at devoted siya sa kaniyang kabiyak.

Men should and must take the cue from Erwan. Sa mga babae, minsan hindi sapat yung “action speak louder than the words.” Hindi nakakasawang marinig ang “I love you” o “I’m in love with you,” lalo na pag sinasabi niyo ito sa mga mahal niyo na hindi nila ini-expect.

At siempre pa, long messages or even love letters, ay mas pasok na pasok sa puso ng mga inyong sinisinta pag sinusulat niyo ang inyong mga damdamin sa kanila.

Kaya kina Mr. and Mrs. Erwan and Anne Heussaff, ano pa nga ba eh di go forth and multiply na.

Maine at Juancho, nag-date nu’ng V-Day

HOW true kaya ang chika na sina Maine Mendoza at Juancho Trivino, eh nag-date nu’ng Valentine’s  Day?

Kung may katotohanan ito, wala namang masama. Dalaga si Mendoza. Binata si Juancho. At wala namang ispesyal na relasyon ang Philippine Sweetheart sa Pambansang Bae na si Alden Richards, magkaibigan lang sila at ang love team nila ay talagang for reel lang,

Si Alden ay busy sa kanyang 3rd album recording. Si Menggay busy sa pagrampa sa kalye sa Juan For All, All For Juan sa Eat Bulaga. Parang ‘yun lang ang pinagkaka-abalahan ni Mendoza. Walang balita kung may susunod pa itong drama at mas yung susunod na pelikula nila ni Richard, lost in space, lost in emotion at lost in translation

Kaya naman pala marami silang quality time ni Juancho, pareho silang hindi masyadong busy,  huh!

Kung sakaling may romansa ngang namumuo na kina Maine at Juancho, sana naman, ang binatang makisig na maganda ang mukha at tindig, may he man up at aminin na once and for all ang tungkol sa kanilang dalawa. Kahit kailan, walang masama sa pagiging tapat, ayos na ayon iyan.