Abante Tonite Interactive

Aljur at Ronnie, matunog sa LUNA Awards

By
12

NASA demokrasya tayo kaya sige, wala na dapat akong major-major pagdadabog ng bangs sa mga nominado sa Luna Awards ng FAP (Film Academy of the Philippines).

In fair Verona to them, laban kung laban pa rin sila.

May balls at budget ang pamunuan ng Luna Awards kaya go for gold ang ika-35 gabi ng parangal nila sa Agosto 26.

Mukhang masisipag sila sa fund sourcing.

Aware ang diva that you love na subjective lagi ang pagpili sa mga nominado sa award-gi­ving bodies.

Pero juice colored!

Pakipaliwanag po in five sentences, bakit­ nominado si Aljur Abrenica bilang best actor para sa Ang Hapis at Himagsik ni Hermano Puli at best supporting actor nominee si Ronnie Alonte sa Seklusyon?

Si Abrenica, na jume-Jericho Rosales ‘pag kausap mo, kasi English kete English ang mga kuda at si Alonte who sounds and behave like a thug from the kanto, binigyang ilusyon na marunong umarte at major acting nominations pa man din?

Parang sila-sila lang ang nanood sa Ang Hapis at ang pinakamahusay umarte sa Erik Matti flick na si Rhed Bustamante, kataka-takang si Ronnie ang mas pinaboran?

Isang kaibigang entertainment columnist ang nagwika, “Panoorin n’yo po ulit ang movie, baka nabago na ang akting. Hehehe. Charaught!”

Ang reaksyon ko kayWitfriendship, “Ayaw ni Elsa, mars. Walang himala!!!”

Sakaling silang da­lawa ang mag-viktoria, look na lang ako sa sky with matching pagtili ng walang sound.

Democracy in progress ang pagkapanalo nila.

Basta ako, masayang-masaya na ang Die Beautiful, Pamilya Ordinario, Ma’ Rosa at Saving Sally ay mga nominado.

With these films getting best picture, director, acting and technical nominations, there is a ray of hope, for the Luna Awards after all.