Abante Tonite Interactive

Aljur, swerte sa panganay nila ni Kylie

By
Aljur & Kylie
8

YES, Virginia P! Hindi siya kiyeme latik. Lalong hindi press paya­nig mula sa mga pralala at piranha writers mula sa Star Magic at ka-Dos Kingdom.

Ang tatay ng anak ni Kylie Padilla, ang dean of the Machete School of Acting, ang lalaking described as “wooden” by a foremost TV and movie critic… si Aljur Abrenica…

Kapamilya na.

Suwerte si Aljur sa panganay nila ni Kylie.

The ultimate beefcake will finally be sikat?!

Well, hindi puwedeng pagduduhan ang kakayahan ng mga taga-Dos sa pagpapasikat.

Some of premium examples of former Kapusos na estrella ang takbo ng karera under their career ay sina Anne Curtis, Jake Cuenca, Paulo Avelino, Iza Calzado, at Cristine Reyes.

Ngayon, it is Abrenica’s time to shine.

Kainaman siguro kung si Aljur ay isasama sa isang proyektong ang mga istariray na casting ay sina Xian Lim, Joseph Marco, Richard Gutierrez, at ang kapatid niyang si Vin Abrenica.

For good measure at more impressive measurements, isahog na rin natin sina Luis Hontiveros, Tommy Esguerra, Clint Bondad, Tanner Mata, at Albie Casiño.

Para pasabog at patigas agad ang arrive ni Aljur plus his hunky posse, dapat silang gumawa ng naughty and titillating situation comedy na DORM Boys.

Hindi ko sinabing dapat of Bel Ami, Corbin Fisher or Sean Cody proportions pero dapat the more the merrier ang hubaran at harutan.

Millennial Palibhasa Lalake ang dramarama.

For maximum audience impact, may special cameo si Ahron Villena, na may emote na “oops, I did again” dahil kakaririn na niya ang pagiging full-frontal king!

Bongga rin sana kung may special participation si Diether Ocampo. Kaya lang, Kapuso na ito.

Ang posibleng ham at hamonado sponsors, nagbabalyahan na para sa kanila ang rights to be a co-presentor.

May bidding wars daw agad-agad ang Majestic, Adelina at Excelente, huh?!