Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aljur ‘tirador’ anak ng mga action star

0 155

Naging number one trending topic ang pangalan ni Vivamax sex nymphet AJ Raval sa Twitter.

Siyempre pa alam na alam nating lahat kung bakit .Hindi na natin kailangan sauluhin pa ang dahilan kaya Ms. Number One siya kasi nga here, there and everywhere sa social media ang mga larawan nila ni Machete of his henerasyon, si Aljur Abrenica.

Romance plus passion equals pag-iibigan na hahamakin ang lahat, masunod ka lamang ang nangyayari sa dalawa. Kung nanalig kayo na nasa “getting to know” stage pa lang ang pagiging malapit sa isa’t-isa nina Bb. Elizabeth Buensuceso at ni Abrenica, ang tirador ng mga anak ng action star, look na lang ang diva that you love sa sky. Sadyang busilak at walang bahid malisya ang inyong kaibuturan.

Choice niyo ‘yan kung sa tingin niyo ang kanilang holding hands while walking in the mall at iba pang photos na circulated on line ay mga patunay na lamang na ang meron sila ay “platonic friendship”. Hindi ito bordering on the erotic at romantic na relasyon.

Wala ring panghuhusga ang diva that you love tungkol sa mga nangyayari rito lalo na nga’t sila ay mga tao lamang.

Nasa demokrasya tayo at karapatan nina Raval at Aljur na magpakasasa sa kaligayahan, di ba naman? Hayaan na natin ang mga manang at manong ang magpunto sa kanila na hindi porke maligaya sila ay hindi “mali” ang kanilang ginagawa.

Ano ang kaabang-abang sa kabanatang ito nina AJ at Abrenica? Tiyak naman alam nila na ang pros and cons tungkol sa kanilang closeness kaya nga wala silang keber na humarahara sa kung saan-saan di ba naman?

Ang kaabang-abang, ang resbak ni Mrs. Kylie Nicole Padilla-Abrenica, asawa ni Aljur at nanay ng kanyang dalawang anak na lalaki.

Ang mga pakakawalang pasabog ni Ginoong Robinhood Ferdinand Padilla, ama ni Kylie at may balak na tahakin ang pagigng politiko.

At siyempre pa ang damdamin ni Ginoong Ricardo Buensuceso (Jeric Raval) tungkol sa kanyang anak at estado ng closeness nito kay Aljur Abrenica.

Pati na rin ang dating kasintahanan ni Bb. Elizabeth, si Axel Torres, may isasambulat rin kaya siyang payanig tungkol sa bagong chapter sa buhay ni AJ?

Ang daming mga tanong, huh! At lahat kaabang-abang talaga ang mga kasagutan. All of a sudden, made na made na talaga si AJ Raval.

Ivana perfect na Valentina

“Paper weight cast” iyan ang nagmamalditang summation mula sa isang letter sender patungkol sa big cast reveal ng soon to be shown fantaserye “Darna.”

At sa totoo lang, dahil nga alam na alam na nating lahat na si Jane de Leon ang bida rito, with matching Iza Calzado,Joshua Garcia, Kiko Estrada at Zaijan, ang mga daldakina at talakera, in unison ang paghihikab.

Ang pangkat katkatera naman, diring-diri sa “gimmick” na walang Valentina o kahit na anong kontrabidang ipinakikila ang fantaserye.

Kaya nga, kaliwa’t kanan tuloy ang mga suhestiyon at pangangampaya kung sino ang dapat ang maging arch nemesis ni Jane.

Top of the list siyempre pa ang millennial bathaluman Ivana Alawi .Buong-buo ang pananalig na perfection sa katauhan ni Valentina.

May pinalulutang na balita na si Jackie Rice diumano ang magiging Valentina kasi nga mag-o-ober the bakod na ito sa network na di panalad na mabigyan ng panibagong prangkisa.

Between Ivana at Rice naman, ang pagkakaiba naman ay crystal, sa true lang.

Sa mga panatiko at supporters naman ni Kim Chiu, malaking challenge at karangalan para sa Princess Chinita na maging kontrabida dahil mapapatunayan niya sa wakas ang kanyang husay bilang aktres. At all together now at hindi na kailangang i-memorize pa na pasok sa banga si Kimberly Sue, bilang Babaing Tuod.

Naway totohanin nga ni film master Chito Rono ang kanyang pangako at vision na ang Darna na ito ay darker at grittier para kakaiba nga naman sa previous Darna na ating natunghayan.

Kaya Jane de Leon, ngayong nasa iyo na bato, itodo mo na ang husay at galing mo, huh!

Joseph pinagdamot ang nota

Sa kanyang 33rd birthday, bumulaga sa social media ang kahubdan ni Joseph Marco sa isang larawan.

Oo, hubad at hubo si Marco sa pictorial pero ang kanyang palo-palo, ipinagdamot sa sangkabalakaan .May aklat itong itinabing sa kanyang ari-arian.

Ang mga diwatang tigang, nagmamarkulyo with matching tili na “it’s just a penis! Bakit kailangan pang takpan! Kaimbiyerna!”

Juice colored! Ang mga kapatiran talaga, gusto itong gawing issue of national concern. Ang saya lang, huh!

Leave A Reply

Your email address will not be published.