Abante Tonite Interactive

Alkalde ng Talisay, Batangas kinasuhan

0 320

Nagsampa ng kasong katiwalian sa Office of the Ombudsman ang mga opisyal ng Talisay, Batangas laban sa kanilang municipal mayor dahil umano sa paglabag ng huli sa paggamit ng public funds sa kuwestyunableng transaksyon.

Kinasuhan sa Ombudsman si Talisay Mayor Gerry Natanauan dahil umano sa paglabag nito sa gross misconduct at gross neglect of duty o gross negligence at administrative offenses.

Nagharap ng reklamo laban sa alkalde sina Vice Mayor Charlie D. Natanauan Sr., (kapatid ng alkalde), SK President Nestor Cabrera, at Municipal Councilor Henry De Leon, dating ABC President Nestor Maala at dating Councilor Eugenio Salisi.

Sa limang pahinang complaint sheet sa Ombudsman ng mga opisyales ng Talisay, nilabag umano ni Mayor Natanauan ang existing laws, rules and regulation nang payagan nitong gamitin ang public funds sa umano’y kuwestyunableng transaksyon.

Sinabi pa sa ulat na kabilang umano sa reklamo sa alkalde ng naturang bayan ang pagbili ng mga gamit at pagbayad ng monthly expenses para sa telepono at gasolina sa halagang P758,724.41 sa pamamagitan ng reimbursement.