Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alkalde sa namaril na bodyguard: Isusuko namin siya

0 188

“ISUSUKO namin siya.”

Ito ang malinaw na tugon ni Rosario Mayor Voltaire Ricafrente hinggil sa pinaghahanap na bodyguard nito, na suspek sa pagpatay kay Patrolman Jerome Carlo Pamaran ng Bacoor City Police Station (CPS) sa simpleng away at sumbong ng pamangkin ng una na nauwi sa madugong komprontasyon, Biyernes ng gabi.

Sa panayam kay PLt/Colonel Joewie Lucas, hepe ng Rosario Police Station, sinabi ni Mayor Ricafrente na isusuko nito si Antonio Perea alias Tonifer, naka-JO bilang bodyguard nito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Basta nakuha namin ang exact address ng kinaroonan niya (suspek), isusuko namin siya” ayon kay Lucas, base na rin umano sa pahayag ni Mayor Ricafrente.

Sa ngayon ay pinaghahanap pa ng pulisya si Tonifer at pamangkin nito na si Earlo John Perea alias Kokoy, ng Brgy Ligtong 1, Roario, Cavite. Ang dalawa ay suspek sa pagpatay kay Pat. Pamaran at pagkakasugat ng tatay nito na si Jose Edgardo Pamaran, 54, na ngayon ay nasa mabuti nang kalagayan.

Matatandaan na nangyari ang pamamaril sa mag-amang Pamaran dahil sa sumbong ni Kokoy sa tiyuhin na si Tonifer na nauwi sa kamatayan ng pulis. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.