Abante Tonite Interactive

All about kissing!

2,389

Nasubukan n`yo na bang mahalikan? Ano’ng klaseng halik na ba ang iyong natikman?
Kung hindi ninyo alam kung ano ang tawag du’n ay narito ang ilan.

1. Hand kiss. Tanda ito ng respeto.
2. Forehead kiss. Tanda ng pagmamahal kalakip ang magic of healing.
3. Cheek kiss o friendly kiss. Tinatawag din itong “peck on the cheek” kung saan marahan lang na dumadampi ang mga labi sa pisngi.
4. Air kiss. Isang halimbawa nito ang `flying kiss’.
5. Nose to nose o Eskimo kiss. Romantic option ito sa mga nakatira sa malamig na klima. Kalimitan din itong ginagawa ng magulang sa anak.
6. Single lip kiss. Halik na isang labi lang muna ang unang pinupuntriya.
7. Spiderman kiss. Kissing upside down gaya ng movie na Spider man.
8. Lip gloss kiss. Ginagawa ito ng ilang girls na nagli-lip gloss muna bago makipaglips-to-lips.
9. Lingering kiss. Matagal na magkadikit ang mga labi pero hindi bumubuka. Kalimitan itong nangyayari sa paggawa ng pelikula.
10. Neck kiss. Mistulang `nag-aanyaya’ dahil isa ang leeg sa erogenous zones o nakakaantig.
11. Nose kiss. Madalas na nangyayari kapag natutuwa ang kapareha.
12. A kiss on the eyelid. Tinatawag din itong Kiss of an Angel. Kalimitan itong ginagawa ng mga lalaki sa talukap ng mata ng minamahal.
13. Butterfly kiss. Nauuna munang magkadikit ang mga pilikmata bago ang mga labi.
14. The Jaw kiss. Gentle pero incredibly sensual habang hinahalikan ang panga ng kapareha. Nangyayari ito sa mga lovers na intimate at close na sa isa’t isa.
15. Pressure kiss. Madiin. Nangyayari ito sa mga taong matagal bago nagkita. Kalimitan itong nasasaksihan sa airport.
16. Teaser kiss. Nagsisimula ang paghalik mula sa noo, pababa ng ilong hanggang sa maglapat na ang mga labi.
17. Vampire kiss. Madiin. Halik na may kahalong sipsip at kagat sa leeg. Nangyayari ito sa mga lovers na nasa intimate setting.
18. French kiss. Bukod sa kumikilos ang labi habang nakikipaghalikan, sumasabay din sa ritmo ang mga dila na mistulang nagi-iskrimahan.
19. Throbbing kiss. Mainit na tagpo. Walang puknat na halikan. Ito ang uri ng halik na kung saan hindi na nakokontrol ng tao ang kanilang sarili dahil sa matinding bugso ng damdamin.
20. The Big Tease. Nag-aalab. Umaabot ito ng ilang minuto dahil sa pang-aakit sa kapareha habang ginagalugad ang buo nitong katawan sa pamamagitan ng mga labi mula sa noo pababa hanggang sa maabot ang glorya.