Abante Tonite
Mabilis sa Balita

All-in-one COVID facility binuksan sa Taguig

0 77

Pinasinayaan ng lokal na pamahalaan ng Taguig City ang pagbubukas sa all-in-one COVID-19 complex na may molecular laboratory, quarantine at national testing facility sa Lakeshore, Barangay Lower Bicutan, kahapon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano, bubuksan sa pasilidad ang 500-bed facility para sa mga pasyente ng COVID-19 sa lungsod. Inaasahan naman na makapagpoproseso ng 600 test kada araw ang laboratoryo. “We listen to the science. We listen to the doctors. We listen to the Barangay Captains who know the situation in their respective barangays,” sabi pa ni Cayetano.

Nitong Setyembre 25, naitala sa lungsod ang 7,072 kabuoang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19, sa bilang na ito 412 pa ang aktibong kaso, habang 56 naman ang nasawi.

Leave A Reply

Your email address will not be published.